Sabado, Hunyo 25, 2011

XV. BABASAHIN MO BA O DEDEDMAHIN MO LANG? [MINSAN LANG AKO MAGPARAMDAM]

Nagtext ang Nanay ko.
"Anak, ingatan mo yang si Neneng wag mong gugutumin yan"
Agad akong nagreply.
"op0 nay.. Ksma k0 si Mariel mkaen n kme."

Si Mariel naman parang tinopak na naman, nawala ang ngiti sa labi nya, si Neneng masayang naglalaro dun kasama ang ibang bata. Natanggal ang kulit ko nang makita ko ang labi nya na naglapat at mukhang ruler dahil diretsong diretso. Sobrang natahimik ako hindi ko alam ang maaring maging kasunod nito. Pwede syang mag walk out na hindi naman nya ginagawa sa akin, pwede din syang sumigaw at murahin ako pero hindi pa naman nya to nagawa sa akin. Pwede din syang mag amok at balian ako ng buto, wag nya sana tong gawin sa akin. Pwede din syang umiyak agad, nakita ko na sya kung paano umiyak at nadudurog ang puso ko dahil hindi ko alam ang gagawin para patahimikin sya. Ewan ko ba sa twing nakakakita ako ng babaeng umiiyak, hindi ko makaya silang tignan. Nanlalambot ang tuhod ko, hindi ko alam bakit. Naalala ko dati nung nag-away si Tatay at si Nanay. Inambahan ni Tatay si Nanay dahil sa sobrang galit, nakita ko ng unang beses kung paano humagulgol si Nanay, at gusto kong labanan si Tatay kaso naisip kong hindi tama, tatay ko padin sya. Halos hindi na makahinga ang nanay ko sa kakaiyak, ako naman natataranta kung ano ang gagawin ko. Yayakapin ko ba, o hihimasin ang likod. Ganyan din ang naramdaman ko nung kay Mariel, umalis na lang ako. Hindi ko alam mag comfort ng babae, ano ba naman ako, torpe na tanga pa.

Tumayo na si Mariel, hindi na pwedeng maging torpe. Hinawakan ko ang kamay nya at sinabi ko saan sya pupunta ang tanging sagot nya.
"Wag mo akong hawakan Lando, gago ka, bitawan mo ako ihing-ihi na ako"
Napuno ng hahahahahahahahahahahaha ang isip ko at halos namula ako sa kakapigil ng tawa ko agad ko syang binitawan at bumungisngis ako at hindi ko na mapigilan tumawa ako ng malakas. Nakapasok na si Mariel sa banyo nung oras na yon, tawa padin ako ng tawa pinagtinginan ako ng mga tao doon at nahiya ako, halos lahat nakatingin sa akin mula sa security guard, cashier, manager, matanda, kahit mga batang kasama ni Neneng nakatingin sa akin. Nakakahiya ang pag tawa ko simula ngayon hindi na ako tatawa ng malakas, pero baka hindi sila nainis sa ginawa ko, iniisip siguro nilang baliw ako dahil tumatawa akong mag-isa. Pero bahala sila, kung alam lang nila hahaha.

Lumabas na si Mariel nakangiti na ulit, akala ko tinopak na naman yun pala naiihi lang sya sabi nya puntahan daw namin si Neneng dahil tapos naman na daw kami kumain ay panuorin namin ang bata habang naglalaro. Payag naman ako. Habang nanunuod sa mga bata nagkwento ako kay Mariel tungkol sa kabataan ko. Sabi ko.
"Alam mo ba Mariel, mapait ang kabataan ko. Wala akong kapatid, ako lang. Kaya kung malungkot ako wala akong kalaro, kung meron man si Tatay. Wala din akong laruan, laruan ko lang yung mga pitsa piraso ng kahoy, goma, at kahit anong makita ko sa bahay. Minsan nga si Tatay nanghahanap ng kung anu-anong bagay tapos gagawin nyang laruan ko, may nagawa din syang simpleng laruan. Yung kotseng de baterya, inayos nya yon at ginawa nyang robot. Binaklas nya at nilagyan ng glue, instant Voltes V yun, eh ikaw musta pagkabata mo?"
Napangiti si Mariel sa kwento ko sya naman ang magkukwento.
"Alam mo naman na laki ako sa Amerika, lagi lang akong nasa bahay. School bahay simbahan lang ang lagi naming pinupuntahan. May sakit kasi ako noong bata ako, at ayaw din ng dad ko na ma bully ako. Alam mo naman sa Amerika, mga bata don kakaiba, hindi katulad ng mga pinoy na likas na mabait, kung magkakaboyfriend nga ako gusto ko padin Filipino."
Ngumiti na lang ako at pasimpleng nagsabi na:
"Ang cute ng mga bata, sana magka anak na ako" binatukan ako ni Mariel sabay tawa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento