Nakadating na din sa bahay. Walang tao. Pero may lutong ulam at bagong saing na kanin sa lumang rice cooker na nabili lang namin ng Tatay sa halagang P100, sa isang magbobote. Sabi kasi ni Tatay sa mangbobote, “Hindi na gagana yan, bilin ko na lang” Naniwala naman si Mang Bo short for mangbobote. Hindi nya alam si Tatay ay electrical engineering ang kinuha, kaso 4th year college at hindi nya natapos, dahil kapos. Maparaan si Tatay, kaya ginawa nya ang rice cooker, onteng palit sa wire, onteng putol, lagay ng electrical tape. Tada! Gawa ang rice cooker na pinapakinabangan na namin sa loob ng 2 taon. Ang ulam ay ang paborito kong Chopsuey, hindi ito luto ni Nanay. Iba kasi ang amoy. Malamang sa isang karinderya nila to binili. Pero hindi naman ako mapili sa pagkain. Dapat kong kainin to, at parang sa akin talaga nilaan ng magulang ko ang bagong saing at lutong pag kain. Saan kaya sila pumunta. Pero teka, magpapalit na ako ng damit. Pagkabukas nya ng aparador may nakita syang sobre na may nakalagay na “Lando” binuksan nya at nagulat sya dahil may 10 libong piso sa sobre at may sulat.
“Anak, mawawala muna kami ng Tatay mo sa loob ng isang buwan. Yang pera na yan pang gastos mo muna, naipon namin yan. Gusto muna naming magpahinga at mag relax mag asawa. Babalik kami sa probinsya. Wag kang mag alala, mangunguha din kami ng mga prutas at gulay na pwedeng ibenta dyan pabalik, para may onte tayong pera. Tipirin mo yang sampung libo, kung may sobra, ipambayad mo sa kulang sa tuition mo. Mag ingat ka palagi dyan. Text mo na lang din si Tatay mo kapag nabasa mo na to, pero wala syang load, basta mag text ka. Babalik din kami, anak.”
“Anak, mawawala muna kami ng Tatay mo sa loob ng isang buwan. Yang pera na yan pang gastos mo muna, naipon namin yan. Gusto muna naming magpahinga at mag relax mag asawa. Babalik kami sa probinsya. Wag kang mag alala, mangunguha din kami ng mga prutas at gulay na pwedeng ibenta dyan pabalik, para may onte tayong pera. Tipirin mo yang sampung libo, kung may sobra, ipambayad mo sa kulang sa tuition mo. Mag ingat ka palagi dyan. Text mo na lang din si Tatay mo kapag nabasa mo na to, pero wala syang load, basta mag text ka. Babalik din kami, anak.”
Nagulat ako. Ako lang mag isa dito natatakot ako. Takot ako mag isa, at takot ako kapag madilim na. Hindi ko alam gagawin ko. Ayain ko kaya si Mariel pumunta dito? Pero baka isipin nya pag sasamantalahan ko sya. Natatakot din ako na matakot sya sa akin, hindi lang sa itsura ko. Pero alam ko namang hindi sya ganun, pero ako natatakot ako sa mukha ko. Kakaiba naman kasi kung mag yayaya ako sa bahay, at saktong walang tao. Parang may ibang parating ang pag aaya ko sa kanya. Di bale na bahala na, bahala na kung sino man ang superhero na pwedeng magligtas sa akin. Matutulog na ako at bukas may pasok pa ako. Nakatulog na sya ng mahimbing. Biglang. Tulong! May sumisigaw na malakas sa bandang kapitbahay nya. Hindi nya alam kung ano yon. Bumangon sya at lumabas sa pinto. May limang lalaking may dalang baril at naka maskra. At bigla syang tinutukan. Napataas na lang sya ng kamay. Nagsalita sya. “Teka, wag po. Wala akong kasalanan. Anong ginawa ko sa inyo?” Kinabahan na ako ng todo. Lumapit na sa akin ang isang lalaki, nakakatakot sya at hinawakan na ako sa leeg. Nilagay ko ang kamay ko sa bandang likuran ko, sabay hatak. Sinaksak ko sya ng balisong sa binti at tagiliran. Napaluhod sya sa sakit at kinuha ko ang baril. Mga magnanakaw pala sila na lumilibot sa bayan. Parang isang grupo ng relihiyon na nagha-house to house. Pero hindi mabuting balita ang dala nila, kung hindi isang kahindik hindik na takot ang ihahatid nila. At kung hindi ka papayag sa gusto nila papatayin ka nila. Dinampot ko na ang baril. Tinutok sa kanya. Ang apat na lalaki tumakbo na. Ito na lang ang naiwan. Pero naawa ako, binuhat ko sya at pinasan ko. Wala ng tao, nagsipasok silang lahat. Natakot ata at akala nila ay nadale na ako ng kalawit ni Kamatayan.
Hinubad ko na ang maskara nya, ipinasok ko sa bahay ang baril at ang balisong ko na lagi kong dala araw araw. Kumuha na din ako ng isang libo. Sinugod ko agad sya sa pinaka malapit na ospital. Pagdating sa ospital, sinabi ko agad na may nakasaksak sa kanya. Ayaw ko namang makulong. Dinepensahan ko lang ang sarili ko. Ayaw kong magkaroon ng record sa pulis. Kaya sinabi ko na lang na nasaksak sya at hindi namin kilala ang nakasaksak. Pag higa nya dun ko palang nakita ang buong mukha nya. Si Joel! Pinsan ko! Laking pasalamat ko at hindi ko sya napuruhan. Anak sya ng kapatid ni Tatay na si Mang Nestor. Nagulat talaga ako, kababata ko sya. Mabuting bata sya. Pero hindi nakatungtong ng high school. Kaya siguro napilitang magtrabaho agad at kumapit sa patalim na pwedeng bumaon sa pagkatao nya panghabang buhay. Hindi padin ako makapaniwala na pinsan ko ang magnanakaw dapat sa amin? At hindi padin ako makapaniwala na, nasaksak ko sya. Patawarin ako ng Diyos, ayaw kong makapatay ng tao. Hindi ko sinasadya yon Papa God. Natatakot na talaga ako noon. Dinepensahan ko lang ang sarili ko. Natapos ang pagtahi sa sugat nya at bumili na din ako ng gamot. Bumalik kami agad sa bahay. Hindi naman pala ganun kalalim ang saksak ko sakanya sa tagiliran nya. Nadaplisan ko lang. Buti naman, mahirap ng lumuwa ang bituka nya at maghingalo at sa city jail ang bagsak ko habang buhay. Nang makadating na sa bahay, kinausap ko na sya. “Bakit mo to ginagawa!? Pasensya at nasaktan kita.” Umiyak sya at inakap ako, “Wala na si Ama, si Inay naman, sumama sa ibang lalaki. Hindi ko na alam ang gagawin ko buti na lang may nakilala akong sindikato, at kahit masama ang pinapagawa sa akin, may bahay, pagkain, at damit akong natatanggap. Kuya Lando, itago mo ako sa kanila. Natatakot ako baka balikan tayo” Wag kang mag alala, simula ngayon dito ka na titira, sa pagbalik ni Tatay at Nanay kukwento ko ang nagyari.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento