Tirik na ang araw ng magising ako mula sa pag katulog ng lasing, binuhat pala ako ni Tatay. Pero amoy suka ako, hindi na ako pinaliguan, malaki na kasi ako. May kakaiba lang akong nararamdaman sa bulsa ko, may bato. Teka ito yung kagabi na sinisipa sipa ko ah at sabi ko pa gagawin ko itong sign, kung maiuuwi ko ito matutulog ako sa pag-aaral. Ibig sabihin matutuloy! Yes! Pero ayaw kong umasa sa sign, basta gagawa na lang kami ng paraan. Mag almusal na ba ako o maligo? Amoy suka talaga ako, nandidiri ako sa sarili ko, hindi na talaga ako iinom pang muli hindi ko naman pala kaya. Sino ba kasing nag udyok sa akin na laklakin ang alak ng bote at yakapin ang espiritu nito. Tinamaan ako ng libog kagabi, hindi ko na ililihim yon. Gusto ko na makatikim ng luto ng Diyos, pero parang may force field na humarang. At narinig ko ata ang tilaok ng manok ni San Pedro. Teka maliligo na ako. Hindi ko matiis tong amoy ko.
Ramdam ko ang init sa loob ng banyo, kasi yero lang at walang kisame ang banyo. Ang banyo ay nasa labas ng bahay, gawa sa “Fly wood” daw sabi ni Nanay. Trapal, yero, pvc pipe, at tira tirang hollow blocks. Si Tatay ang gumawa nyan, astig nga eh. Ang mayayaman, walang banyo sa labas ng bahay.
Umandar na naman ang katamaran ko, naupo ako sa inidoro at nagmuni muni, nag isip, nangarap na bati na kami ni Mariel. Nag awol nga pala ako, nako laking problema to. Bukas papasok na ako sa trabaho. Umabsent din ako sa klase. Dapat maayos ko na to. Pero gusto ko muna managinip ng gising habang naka upo sa trono ko at nagbabagsak ng mga troso. Sarap siguro ng pakiramdam kapag hawak ko ang kaay ni Mariel, tapos hinahalikan ko ang pisngi at labi nya, sabay yayakap sya sa akin ng mahigpit. Mahigpit kaya sya? Baka sipain ako ng napaka tindi sa mukha nun. Nakwento nya pa sa akin na panatiko daw sya ng UFC. Brutal daw na labanan yon! Nako nakakatakot, baka buntalin talaga nya ako, pero hindi naman nya magagawa yon kung mahal nya ako. Dapat mahalin nya ako, pero ayaw kong umasa. Teka makaligo na nga.
________________________________
Ano na kayang nagyayari kay Lando? Miss ko na sya nagsisisi ako sa mga nasabi ko sakanya. Mahal ko naman sya, bat ko sya inaway. Minsan talaga hindi ko maintindihan ang sarili ko, nandyan na nga papakawalan ko pa. Noong high school pa, sya na yung lalaki na laging kong tinitignan, hindi dahil nagagwapuhan ako sa kanya, hindi naman sya kagwapuhan talaga, pero there’s something sa kanya. I love the way he smile. Lalo na kapag makikita nya akong nakatingin sa kanya sabay ngiginit sya. Sobrang kilig ako. Hmm, text ko kaya sya? Kaso baka walang load. Loadan ko na lang sya, sisingilin ko naman sya eh.
“Mayor? Sorry na. Can we talk? Kita tayo, please hindi ko kaya na hindi ka makausap at makita. I miss you.”
Utusan ko na lang si manang, para loadan kami.
“Ma’am okay na po yung load”
Text ko sya ulit.
“Mayor, niloadan na kita, text ka na please, 15 minutes na akong naghihintay sa text mo”
“Ay, mariel!! s0ri late reply, kktp0s k0 lng mlig0 ehh.. Slmat s l0ad bbyran ko ito, kita tayo bukas ahh, sa mcd0 na lng hehe”
Sa wakas nag text na ang lalaking matagal ko ng minamahal.
___________________________
Yeah ang saya. Nag text sya! Pero nakakahiya dahil sya pa ang nagload, di bale babayaran ko na lang sya at may P400 pa naman ako ililibre ko sya. Ang saya talaga oh kapag sinuswerte ka naman. Wala na siguro ang tampo nya.
Pag ka bihis ko nakita ko ang pamangkin ko, lumapit sya niyakap ako. Inamoy nya ako, bango daw. Kinurot ko naman pisngi nya sabay kinarga, lumabas kami binilan ko sya ng paborito nyang kendi. Alam kong hindi dapat binibigyan ng kendi to, dahil masisira agad ang ipin nya, di bale paminsan minsan lang. At himala wala na naman sina Tatay at Nanay, san na naman kaya sila nagpunta?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento