Sa lahat ng bagay sa mundong ito, may unang beses kang masusubukan o matitikman. Tamis ng unak halik, pait ng unang break up, sarap ng unang pakikipagtalik. Para maiba naman, ito ang unang beses kong magpost sa blogspot. May una akong account at hindi ko na sya matandaan. Medyo natatanga ako noong una, at mas masaya kung dito ako magpopost kaysa sa Tumblr na mas tinatangkilik ang mga maiikling post kaysa sa mga mahahaba at detalyadong gawa. Ang tingin ko ang mga tao sa Tumblr ay mas gustong maikli o madali lang ang mababasa nilang mga post, dahilan na lang siguro ay gusto nilang magback read at gusto nila na mabilis ang dash, kaya mas gusto nilang basahin ang mga post na puro jokes, yung mga one-liner, mga post na 3 talata pero tig tatlo hanggang apat na pangungusap lang. Ang iba tinatawag na nilang blog ang ganung post, opinyon nila yon. Para sa akin hindi maituturing na blog yon. Parang status lang sa Facebook o kaya'y sa Twitter ang mga post nila. Hindi naman ako isang hater, hindi din naman ako may katayuan para mag magaling, at wala kayo sa katayuan para mag maasim. Lahat ng nababasa nyo ay opinyon lang at wala akong gustong atakihin na indibidwal. Kung tinamaan ka, malamang ganyan ka.
Tinatamad na din ako magpost sa Tumblr, hindi ako humihingi ng atensyon sa mga followers ko doon. Sa ngayon meron ako pitong libong taga sunod, at mabibilang ko lang siguro sa daliri sa kamay at paa kung sino ang madalas online o madalas mag like o madalas mag iwan ng messages sa ask box ko. Sa pitong libong taga sunod, mga ewan ko kung ilan ang nagbabasa sa mga ginagawa ko doon. Simula sa post na talagang pinag isipan ko, sa mga post na pagkatapos ay binabasa ko padin. Nagsimulang maglayag ang isip ko sa karagatan ng pag dadalawang isip kung iwan ko na ang Tumblr ko o hindi, hindi naman ako masaya doon, parang kung sino ang nagpopost ng puro about love sila ang napapansin, paano naman kaming mahilig mag kwento sa buhay, o gumagawa ng mga post na may saysay. Siguro nga ang love ang pinaka makapangyarihan sa buong mundo, pero hindi dapat ipaikot ang buhay sa love. Madaming bagay ang dapat isa alang alang. Kung nababasa mo to, siguro iisipin mo nag seselos ako sa mga mas mabenta ang post, mas madaming notes, mas madaming nagrereblog ng post, pero sa totoo lang. Parang wala lang sa akin, nagtataka lang ako at ramdam ko na hindi talaga palabasa ang mga tao. Dahil yung ibang post na magaganda hindi nila tinatangkilik at kung sino ang nagpopost ng parang wala sa realidad ang syang tinatanggkilik.
Mas mabuti pa siguro maging bata na lang ako ulit, tanging Jollibee lang ang magpapasaya sa akin. Ang sayaw nya ang sasabayan ko, ang theme song ng Jollibee na paulit-ulit tumutugtog habang kumakain. Maglalaro sa playground sa Jollibee. Parang mas masaya maging bata dahil wala kang napupuna sa tama o sa mali. Si Jollibee nga dati akala ko anghel na pwede mong dasalan, pero ngayon alam ko ng mali pala yon, isa lang syang mascot na malusog na nagpapasaya ng bata at minsan katulad kong teen ager ay naaaliw padin kay Jollibee. Jollibee kung nasaan ka man, bigyan mo ako ng champ.
gusto kong bumalik sa ganitong klase ng pagbblog. nakooowww.
TumugonBurahinay koya pa-exlinks po ako. CHAROT :)
pag nagkita tayo kain tayo ng jollobee ay este jollibee pala :D