Tanggal ang lamig. Ang sarap ng pakiramdam kapag umuulan, natatanggal ang reklamo natin sa init ng panahon sa bansa, pero dagsaan naman ang reklamo na malamig, o kaya naman sa mga college student ay laging sinasabi na "Ano kami, waterproof?" Halatang gustong gusto na palaging suspendido ang klase. Siguro nga hindi tayo waterproof pero bilang estudyante dapat mag-aral rain or shine, pero kailangan pa din ng pag-iingat sa sarili. Kung alam mong baha sa lugar nyo mas maiging tumulong ka na lang sa pag aangat ng gamit sa bahay nyo, imbes na puro reklamo ang mamutawi sa bibig mo.
Isa pa sa paboritong gawin kapag tag-ulan ay uminom ng kape with matching sawsaw ng pandesal. Mas gusto ko ang ganitong panahon kapag tag-ulan, pero ayaw ko lang ang nangyayari kapag tag-ulan, biglang babaha, ang lakas ng hangin na kayang tangayin ang bubungan namin, mga suspendidong klase. Parang pabor sa atin na walang klase dahil nakakapag pahinga tayo, pero tayo talaga ang lugi, parang hindi pa nga nagsisimula ang 1st semester ko, dahil ilang linggo pa lang ang pasukan, sunud-sunod na ang walang pasok. Hindi naman ako masipag na estudyante gusto ko lang na may pasok palagi, idagdag mo na ang kagustuhan kong magkaroon ng baon, isa pang dahilan bat gusto kong may pasok kasi nakaka labas ako ng bahay. Sawa na akong umupo maghapon dito at walang ginagawa kung hindi ang tumunganga sa tapat ng best friend kong si Pareng Computer.
Minsan nag sa sound trip lang ako kung walang magawa. Ang sarap lang tapatan ng ingay ng buhos ng ulan ng magandang musika. Nakakakalma, mas ramdam ko ang lamig kapag may tugtog akong naririnig, hindi ko alam saan kong napulot ang teoryang ito, parang mas feel ko ang ulan kapag may tugtog, siguro impluwensya lang ng patalastas ng Nescafe na sa bawat ulan ay may kape at isabay mo pa ang background music para feel ang aura ng ulan.
Parang ganito ang tinutukoy ko.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento