Sabado, Hunyo 25, 2011

X. BABASAHIN MO BA O DEDEDMAHIN MO LANG? [MINSAN LANG AKO MAGPARAMDAM]

Pagdating sa trabaho, trabaho agad. Pagod na ang katawan kong pagal sa maghapong pagbabanat ng buto. Wala ako sa mood mag kwento sa nangyari, nag away kasi kami. Hindi ko alam bat nasabi ko na“Ang problema kasi, hindi mo sinasabi ang problema, nandito naman ako ah! Ano ba ako sayo? Hangin lang na kung dumampi sa iyo, panandalian lang?” Nakanampucha! Tigas ng mukha ko hindi nya naman ako boyfriend nya para sabihin yon, sumakay na sya ng taxi, ako naiwan. Naglakad mag isa, para akong tanga na naghahanap ng kaligtasan sa daan, pero walang maidudulot ng kaligtasan ang daan na: madilim, may nag iinuman, madaming sasakyan, at parang daanan ng mga snatcher at holdaper sa gabi. Saan ba napupunta ang pondo ni Mayor Butanding para sa street lights? Saan ang kapangyarihan ni Mayor Butanding para magtalaga ng mga pulis na roronda o kaya si Chairman na talagang pinangatawanan ang tawag sa kanyang “Chairman” palagi na lang nakaupo, na tamad mag paikot ng mga tanod. Minsan wala na akong tiwala sa kanila, kung may mahuhuling lumalabag sa batas, ikukulong, kinabukasan. Malaya na. Ano yan? Sulit na agad ang kasalanan na ginawa nila? Kung makukuha sa sorry para saan pa ang mga pulis, hindi din makukuha ng sorry ang nasabi ko kay Mariel. Ilang yapak na rin ang nagawa ko. Hindi pa rin ako nakakakita ng sign, merong sign. Stop Sign, No Jay Walking Sign, sign sa pader na BAWAL UMIHI DITO, pero sa kabilang banda kaya, pwede ng umihi?
May mga sign pa sa jeep na no smoking, pero mismo drayber hipat ng hipat ng yosi. Trip lang ata nila ilagay yon, o trip lang nila sumuway sa batas. Simpleng batas hindi pa masunod para naman sa ikakabuti nila yon. Ang labo talaga ng tao kay hirap ispelengin. Nakauwi na ako, as usual ako lang mag isa. Wala padin si Nanay at Tatay. Maka Nanay ako, gusto ko sakanya ako laging nakatabi, hanggang ngayon, pero kapag may problema ukol sa pag-ibig si Tatay ang sandigan ko dyan. Ang dilim ng bahay pag pasok ko. Putang ina. Anong takot tong nararamdaman ko, bigla pang bumuhos ang ulan. Salamat na lang nasa bahay na ako ng bumuhos ang matinding ulan. Hindi ako nagpapasalamat dahil pag dating ko sa bahay nakakatakot ang pakiramdam, madilim, may malamig na hangin, tanging kidlat lang ang nagbibigay ng liwanag, at kulog ang bumabasag sa katahimikan kasabay ng pagpatak ng ulan sa bubong. Salamat at walang butas. May ilaw sa kapitbahay, dito wala. Nako, malamang naputulan kami. Magbibihis na ako, maglalatag at matutulog na ako. Bukas na lang.
Tilaok ng manok ang gumising sa akin, kasabay ng halik ng araw sa pisngi ko. Ang init. Binuksan ko ang pintuan, may sobre. Nako bill ng kuryente, hindi pa pala bayad. Halos walong libo ang bayarin! Pitong libo lang ang natira sa akin, kailangan ko ng ibayad to, pero itetext ko muna sila at papauwiin ko na.
“Nay, Tay, 500 na lng ntira s akn.. Uwi n ky0, wla n pera. Pnmbyd ko n s kryente, npu2ln tau eh, pls po. Wla nko pera.”
Nag reply pag tapos ng ilang minuto.
“ANAK WAG K MAG ALALA, MMYANG GABI UUWI NA KMI, TTXT K NMIN PG MLPIT NA”
Isang buntong hiniga na lang ang nagawa ko ng pagkabasa ko sa message na yon. Natatawa lang ako bakit all caps galore magtext ang Nanay ko. Parang galit sa mundo? Hehe. Ang mahalaga makakauwi na sila. Maliligo na ako, at sana pagkabayad ko ireconnect ang linya ng kuryente. Pagkabayad ko siguro didiretso na muna ako sa trabaho, wala naman akong pasok ngayon, sana makita ko si Mariel. Makapag usap na sana kami, ano ba kasi tong nasa isip ko, feeling ko ako ang boyfriend nya. Ang hirap managinip ng gising, parang utak ko pinasukan ng hangin.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento