Sabado, Hunyo 25, 2011

XII. BABASAHIN MO BA O DEDEDMAHIN MO LANG? [MINSAN LANG AKO MAGPARAMDAM]

Makalayas na nga muna. Gusto kong maglasing kahit hindi ako umiinom, gusto ko lang maramdaman ang tama ng alak, gusto kong mapuno ng alak ang sikmura ko, gusto kong masunog ng alak ang atay at apdo ko sa sama ng loob na nararamdaman ko, gusto ko ding tumikim ng yosi para mausukan ang baga ko, gusto ko isang hipat instant lung cancer. Dala ko lang ay isang bag na may laman na 2 tshirt at isang libong piso. Lakad na palabas, ang sama ng loob ko. Gusto ko pa mag aral, gusto ko makatapos, pero kulang ang kinikita ko sa pag tatrabaho. Parang nagtrabaho ako pero pamasahe lang ang sahod. Bahala na, teteks ko na lang ang mga tropa ko tutal mahilig naman silang uminom at ako ang paborito nilang niyayaya at trip ata nila akong lasingin. Ako ang lagi nilang tinutukso dahil hindi ako umiinom, bading daw ang hindi umiinom ng alak. Bat naman ako iinom ang sabi ko, masama ang alak sa kalusugan dagdag ko pa. Pero tinatawanan lang nila ako, minsan nga inabutan ako ng tropa ko ng marijuana, sindihan ko daw at hipatin, kung hindi sasaksakin nya ako. Tumanggi ako, hindi nya ako sinaksak, tinetesting lang daw nya ako. Ako pa lang daw ang tropa nya na, birhen pa, hindi pala away, takot makapanakit ng kapwa, ayaw magyosi, ayaw mag marijuan, ayaw mag lasing, ayaw ng sugal. Baka daw bukas eh beatification ko na daw sa Vatican. Teks ko muna sila.
“Pre, sn kau? In0m tau, ak0 taya.. Game b? GM..
Naglalakad padin ako sa labas habang hinihintay ang reply ng tropa ko, ang daming gumugulo sa isip ko, pag-aaral ko, si Mariel na parang galit padin sa akin, paano ang kinabukasan ko.
“Hahahahaha. Tang ina mo! Ikaw pa mag aaya ng inuman, hnd k nga shumashot tol. Pro d ako pwd ngayon ehh, pass muna.”
Hay kahit tropa ko, hindi na ata ako matutulungan. Bahala na. Hanap na lang ako ng bar o kaya kahit videoke bar lang at makainom ng alak. 
Halos trenta minutos na akong naglalakad na nakatungo. Kahit makabangga ako wala na akong pakialam. Kahit bugbugin pa ako ng mabangga ko, bahala na ang buong lahi ng superheroes, isama mo pa si panday. Habang naglalakad, natatawa ako kinakausap ko sarili ko, hindi ko makaya na hihinto ako. Ano bang nangyayari sa akin. Ito ngayon sinisipa sipa ko yung maliit na bato, galing sya sa tapat ng bahay namin ngayon kasama ko padin sya. Kung gawin ko kayang sign to na dapat pag uwi kasama ko padin sya at ibig sabihin nun makakapag aral padin ako? Ano kaya? Basta medyo may nakikita na akong karatula “Videoke 3+1 Redhorse, free pulutan and soup” May strategy tong may ari nito ah, ang daming pakulo. Bawal daw ang prostitusyon sa lungsod namin, pero bakit may mga prosti dito sa bar na to na nag aalok ng ligaya. Kakapasok ko palang may umaakap na sa akin hinahawakan ako sa binti at sa may bandang parte na parang may bundok na umuumbok. First time ko makapasok dito, nakaka shock pero okay lang. Iinom padin ako. May lumapit sa aking maputing babae. Ano daw order ko, sabi ko “1 redhorse” baka daw gusto ko syang itable, isang san mig lang daw sakanya okay na. Payag naman ako. Inuman na, usap usap. Tinanong ko ano ang pangalan nya, sabi nya Lucy daw. Ewan ko ba kung totoong pangalan nya yon o code name lang. Medyo lumalalim na ang gabi, order pa ako ng 4 na beer at pulutan. Medyo may tama na ako. Na aakit na ako sa kanya, nilapit ko na ang mga kamay ko sa hita nya, dinikit na nya ang dibdib nya sa mukha ko. Ewan ko ba, baka lasing lang talaga ako. Hinalikan ko na sya, sya din gumanti ng halik. Sabi nya ilabas ko na daw sya at mag motel na kami, sagot ko naman.“Imomotel kita? Sigurado ka?! Hindi ko nga alam kung paano makipag kantutan, hoy birhen pa ako, okay na ako sa halik” Tumawa lang sya ako naman tulala, ang init na ng pakiramdam ko, manhid ang buong katawan, ramdam ko na ang espiritu ng alak na pumapalit sa kaluluwa ko. 
Inom padin ako ng inom, nakarami na ako. Halos P600 na ang nagagastos ko, yung mga pulutan natatapon ko na lang sa sahig dahil sa kalasingan. Hinawakan ko sya sa dibdib, sinampal nya ako. Ewan ko ba kung bakit, siguro ayaw nya sa dibdib sya hawakan o kaya naman naiinis sya dahil ayaw ko syang dalhin sa motel. Nagtext ang isa kong tropa.
“tol, sorry ah. may work ako eh”
Tang ina lang nila. Wala akong pakialam basta ako masaya ngayon at lasing. Kung anu ano ang pumapasok sa isip ko. Kung mag amok kaya ako dito basagin ang bote at ihostage tong katable ko, tapos ang gawin kong ransom ay para sa pag aaral ko? Ayos! Pero against ako sa violence noon pa man, kapag manonood kami ng movie ng Tatay ko, kapag may suntukan pumipikit ako. Ayaw ko makakita ng nasasaktan eh, pero kapag nakikita ko ang sarili ko ngayon sa salamin, nasasaktan ako. Nasasaktan ako dahil kay Mariel, hindi nya ata ako pinapahalagahan. Nako inom na lang. Nagsusuka na ako, hindi ko na kaya, tinext ko na ang Tatay ko.
“Pa sunduin m0 ak0 dito sa may videoke na 3+1 hindi k0 n kya.”
Ilang minuto akong nakabulagta sa labasan, hinang hina na ako. Buti na lang dumating ang tatay ko. Binuhat nya ako at sinakay sa tricycle. Nagsisigaw ako, hinahanap ko yung bato na sinisipa sipa ko. Tulog ako pag uwi.
Kinabukasan sinermunan na nya ako.
“Anak, ano ba ang problema? Sa pag aaral ba? Anak kaya natin to, magtiis lang. Isa pa, kinalkal ko ang selpon mo, nakita ko ang mga text mo sa tropa mo, tandaan mo, ang kaibigan laging nandyan, pero hindi ka kayang tulungan. Matutulungan ka sa paraan na bibigyan ka ng payo, pero kami talaga ang kailangan mo anak. Tignan mo tong, gagawing kong i activate ko tong dictionary sa phone mo, kapag itatype ko ay home, lumalabas ay good, alam mo bakit? Kasi sa tahanan dito ka lang ligtas. Anak mahal ka namin, gagawan natin yan ng paraan.”

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento