Hello sa sapatos kong yan. Binigaya sa akin ng lolo ko, at ayon sa Wikipedia:
"The Air Jordan XIII's were released in 1997. This model was designed by Tinker Hatfield and was known for its cushioning along with allowing one's feet to breathe while wearing them. The inspiration for the XIII's was based on the Black Panther. Looking at the bottoms, the sole resembles the pads on a panthers paw. Also the sides on the upper are pitted just like a panthers cheeks from its whiskers. The final queue from the panther is the hologram on the back of the shoe which imitates a panther's eyes in the dark when light is shined at them. They were re-released in 2005, which coincided with the release of the Air Jordan XX shoe.Like the Air Jordan XI and XII, there IS a pair of Air Jordan's very similar to another, one consisting of blue and gray, and one blue and white.
These were the shoes worn by Jake Shuttlesworth (Denzel Washington) in the movie He Got Game.
The Jordan Brand re-released the Air Jordan 13 at the end of 2010 which included the French Blue/Flint Grey , White/Red-Black , 'Playoff' color way and the Black/Altitude Green color way."
Binigay sa akin ng lolo ko yang sapatos na yan, last last week, nasa magandang kalagayan pa. Siguro binili nya to 2 years ago nung nasa Las Vegas pa sya. Sakto ang pagkabigay nya sa akin ng sapatos na ito, dahil bago magpasukan, may sira na yung isa kong sapatos. Kapag iapak ko lang sa basa ay papasukan na ang sapatos at instant basang medyas ang award ko. Lalo na ngayon at tag ulan, halos lahat ng daan ay basa. At halos lahat ng tao ay naghahanap ng makakain nilang instant noodles, just add hot water lang, may makakain ka ng noodles o mami. Maalaga ako pagdating sa sapatos at gamit ko, pero sobrang burara. Kung saan saan makikita ang mga gamit ko sa bahay. Kaya ayaw kong inaayos gamit ko, dahil kapag inayos ang gamit kong magulo, naguguluhan ako kung saan ko hahanapin. Parang kailangan ko pang kumonsulta sa mga manghuhula para makita lang yon.Hindi ako mayaman sa sapatos, kaya bawat sapatos ko inaalagaan ko ng todo, kung pwede nga lang pagawan ko ng rebulto ang sapatos ko, gagawan ko. Pero nga hindi ako mayaman sa sapatos at pera, kaya todo alaga ako sa sapatos kong sinusuot. At noong nakaraan, maulan naglalakad ako. Ang sapatos na binigay ng lolo ko, pinatahi ko pa para siguradong hindi madaling masira. May payong pero basa ang likod ko at ang bag ko na punong puno ng papel at ilang binder. Basa sila yehey. Ako din. Alam ko ng suspendido na ang klase, pero papasok padin ako para lang sa ngalan ng baon. Umalis ng bahay at humingi ng baon, may onteng barya ako sa bag para pamasahe, ayaw ko kasing mabawasan ang baon ko. Sakay na ako sa dyip, medyo may kalakasan ang ulan, napagpasyahan kong sa dyip muna ako at kapag humina na baba na ako. Sa hindi ko mapaliwanag na kadahilanan, biglang sumilip ang araw sa mga ulap na madilim na nagdadala ng sandamukal na buhos ng ulan.
Pagkababa ko wala ng ulan, ang saya lang. Lakad lakad lang ako, at nang biglang----"Tang ina!" ang tanging nasabi ko nang malusot ang paa ko sa isang butas sa daan na puno ng tubig. Basa ang sapatos, pasok sa loob, basa ang medyas, wag sanang magka alipunga. Lintik naman talaga, matatanggap ko pa kung habang umuulan at naapakan ko yung butas na may tubig mas makatarungan pa yon. Tuyo nga ako pero basa ang sapatos ko, naglakad lakad na lang ako, nagbabaka sakali na matuyo ang sapatos. Pero mapagbiro talaga ang mundo, bumuhos ang ulan. Bukas agad ng payong, lakad padin. Hindi ko lang napansin basa na pala ang bag ko pati ang laman nya. Pakiramdam ko pinagsakluban ako ng langit at lupang binabaha. Medyo tumaas ang tubig. Alam ko na ito na ang katapusan. Nilusong ko na ang sapatos ko, pumasok na lang sa isip ko ang joke ko na "Ang Jordan XIII ko ay nilusong ko sa baha, at tinawag ko na syang JORDAN RIVER." Imbes na mainis ay natuwa na lang ako at dinedma ang lakas ng ulan at ang bahang tinatahak ko.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento