Nawalan na ako ng gana pumasok sa klase ko, pero kailangan ko mag aral. Walang mangyayari kung susuyuin ko syapero babagsak naman ako sa pag aaral. Mas hindi nya ako magugustuhan kung tutulad ako sa mga tambay lang. Sige papasok na ako sa room. English I padin ang subject, hirap ako sa ingles hindi ko alam kung bakit. Pilipit ako mag ingles, mas maiintindihan mo pa ang batang 4 na taong gulang kapag nag ingles. Nahihiya kasi akong magkamali sa pagsasalita, hindi naman siguro ako dapat mahiya, kung papairalin ko tong hiya ko walang mangyayari. Papasok na ako haharapin ang takot at kaba sa klase. Minsan na pahiya na kasi ako, sa madaming estudyante, noong elementary ako. Iba ibang section, pinahiya ako habang nag sasalita ako ng english sabi ba naman sa akin “Lando tumigil ka na dyan sa kaka ingles mo, hindi ka matututo” sabay tawa ng mga tila’y demonyong nagkatawang bata. Nagwalk out ako, sa sobrang hiya at umuwi. Umiiyak. Kaya simula nung araw na iyon, pinangako ko na sa sarili ko, hindi ko na gugustuhin ang english. Hindi ko na gugustuhin to kung ipapahiya lang pala ang mga hindi marunong mag english. Noong first year college ako, bagsak ako. Ngayong 3rd year ko na lang kinuha ulit. Si Mariel pa naman kahit may kaya na sa buhay nagtatrabaho padin para daw masanay sya. Minsan kinakausap nya ako sa english na pananalita. Ako naman tango lang ng tango, hindi naman ako ganun katanga para makaintindi ng english. Hindi ko lang talaga kaya magsalita ng fluent na english. Minsan bumibili ako ng mga dvd na American film, binabasa ko yung mga subtitle pero sablay! Paano kaya ako matututo mag english kung ang papanooring kong movie na may subtitle na sablay. Sabi kasi nila sa simpleng panunuod pwede kang matuto.
“Mr. Punongbayan, please introduce yourself”
Patay, bahala na ang buong lahi ng superhero. Nakanampucha talaga nabablangko na ako. Paano ba..
“Good morning fellow classmates, im Lando Punongbayan, Mayor is my nickname, im 18 years old, im shy, thank you”
Nakakagulat. Nakakahiya. Parang pang grade 1 ang english ko. Di bale balang araw gagaling din ako mag english. Papaduguin ko mga ilong ng mga kaibigan kong tumawa sa akin, mga teacher ko na natatawa din kapag nag i english ako. Ewan ko ba, teacher sila tapos tatawanan nila ako, hindi naman ako stand up comedian. Bat kaya hindi na lang nila ako tulungan magsalita at turuan ng tamang ingles nang hindi ako magmukhang ignorante sa pagsasalita ng wikang ingles. Sa totoo lang malapit na matapos ang klase, hindi ako nakikinig naglalayag lang ang isip ko. Kung anu kayang mangyayari sa akin sa future, anong mangyayari sa amin ni Mariel. Yayaman ba kami? Siguro hindi sapat ang mangarap, dapat may gawin ako para makuha ko ang mga gusto ko. Nagagalit sa akin si Nanay at Tatay kapag sinasabi ko ang pangarap ko, lagi ko kasing sinasabi “Nay, Tay. Gusto ko maging mayaman tayo”sasagot ni Nanay “Tanga! Puro ka gusto, bat hindi mo gawan ng paraan para magkatotoo” tapos gagatong pa si Tatay “Tama, kung puro pangarap ka wala. Kung mangangarap ka, dapat ka ding magplano. Dati sinabi ko yan sa Nanay mo na, magsasama kami ng maginhawa, pero hindi ko napatunayan ang pangarap ko, matuto kang gumawa ng paraan sa mga bagay na gusto mong maabot o mangyari.”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento