Sabado, Hunyo 25, 2011

I. BABASAHIN MO BA O DEDEDMAHIN MO LANG? [MINSAN LANG AKO MAGPARAMDAM]

Binuksan ang tv, tumutok sa isang tv show. Nandoon ang crush nyang artista. Kinikilig habang nanunuod, pero napaisip sya na may pasok pala sya. 10 na ng umaga, ang klase nya ay alas 9 ang simula. Late na sya. Nagmadaling pinatay ang tv, naligo ng parang pato, bihis na parang si Superman, takbo palabas ng bahay na para syang si Flash. Walang makitang tricycle o pedicab, naglakad na lang papuntang pinaka ruta ng mga jeep.
Ako nga pala si Lando Punongbayan, Mayor ang tukso sa akin dahil sa apelido ko na pinaman sa akin ng aking Tatay, anak ni Mang Oca at ni Aling Bering. Tatlo kaming magkakapatid, pero ang  2 kong ate ay nasa ibang bansa na, nagpakasal na sa dalawang dayuhan at kinalimutan na ata pamilya nilang naiwan nya dito. Nagtrabaho na lang ulit sina Nanay at Tatay, kahit matanda na sila. Kahit marupok na ang buto, nag uunat padin. 3rd year college na ako sa kursong Computer Science. Estyudyante sa umaga, tambay sa hapon, food server sa isang sikat na food chain na may bubuyog na busog. Laging kapos ang pera, pamasahe papuntang school, pambili ng pagkain, pamasahe papuntang trabaho, magtatrabaho, mapapagod, pagkapa sa bulsa, ni singkong duling wala. No choice maglalakad ako. Araw araw halos ganito, minsan nga bago matulog nagdarasal ako “Papa God, hindi ba pwedeng ibahin mo naman ang istorya ng buhay ko, sana minsan magbagsak ka ng sports car na red sa tapat ng pinagtatrabahuhan ko, at magkakaroon ng susi sa bag ko, at pag out ko, gagamitin ko na ang kotse pauwi at ihahatid ko na din si Mariel pauwi sa bahay nila. Atsaka na aawa na din ako kay Nanay at Tatay. Matanda na sila nagtatrabaho padin, himala naman sana. May pananalig ako sayo.” Ang ganda ni Mariel. Katrabaho ko sya at kaklase na din. Hindi ako makapalag. Kapag nandyan sya ngiti na lang nag napapakita ko. Gusto kong ipakita sa kanya ang nararamdaman ko. Pero dehins kaya ng loob ko. Masyado pang maaga para sabihin ko kanya to. Siguro mas maganda kung papalalimin ko pa ang pag tingin ko sa kanya. Pero wag sana na pag tingin ko sa kanya, nasa malalim na syang hukay. Hindi naman ang maganda nyang itsura ang nagustuhan ko. Yung ugali nya na, kahit ganit ako pinagkakatiwalaan nya ako, palagi syang nagkukwento. Minsan sabay kami magjeep, kapag may natirang barya ako sa bulsa, kapag wala na akong pera, maglalakad na lang ako at ihahatid sya sa sakayan. Pero sasabihin nya na wala din syang pera. Sasabayan nya ako sa pag lalakad. Nakakahiya dahil pinapalakad ko ang isang babae.
Malapit lang ang bahay nila sa amin, mga limang kanto ang lapit. Malapit na yan para sa akin, dahil may kwentuhan naman eh. Nakakalimutan ang sakit ng paa sa pagkukwento nya. Sya lang ang tinitignan ko habang naglalakad. Baka nga sa susunod mabangga na ako dahil hindi ko tinitignan dinadaanan ko. Pagkahatid sa kanila, babalik ulit ako ng 5 kanto. Sa ika limang kanto, liliko ako pakanan at 4 na bahay mula sa kanto yun na ang bahay namin na may gate na kulay pink. Baka nga kapag may napapadaan sa tapat ng bahay iniisip nila na puro babae ang nakatira, ako at si Tatay lang ang lalaki. Kapag lalabas kami ng bahay laging nakatango. Ginagaya ko lang sya. Nahihiya din ako dahil pink ang gate namin na mukhang chicken wire, baka isipin ng iba ninakaw lang namin ang pink fences ng MMDA. Pero hindi. Napulot lang namin ni Tatay ang chicken wire na okay pa naman. Pina welding nya at pinagawang gate. Si Nanay naman may sobra pa palang pinturang pink yon ang pinangkulay. Malapit na sa ika 5 kanto. Nawala na ang ngiti sa labi ko, naramdaman ko na ang sakit sa paa. Wala na din yung boses na nagpapakalma sa akin. Yung boses na binibigyan ako ng payo kahit hindi ko sabihing may problema ako. Siguro ramdam nya lang na may pinoproblema ako. At masaya ako dahil sya lang ang nakakaintindi sa mga pinagdadaanan ko. Ilang hakbang na din ang pinagsamahan namin. Pero pag dating sa school, hindi nya ako pinapansin. Okay lang. Siguro, mas enjoy sya mag aral kaysa mag bigay ng payo sa akin. Wala naman kasi akong nasasabi, puro ngiti at tango lang ng ulo. Para kasi syang Nanay ko, ang daming opinyon at maprinsipyo sa sinasabi. Hanga ako sa kanya. Minsan nga daw naglakad sya pauwi, may lasing na gusto syang halikan, binigyan nya ng matinding round house kick. Black belter sya sa Taekwondo. Nako. Hirap pumorma talaga sa babaeng katulad nya. *Lunok*

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento