Takot na takot ako, hindi ko na maipinta ang mukha ko at nararamdaman kong namamanhid ang katawan ko. Umandar na, tumaas baba ang anchors away na sinasakyan ko. Nanginginig na talaga ako, sumigaw agad ako dahil sa takot na biglang bumulalas sa katawan ko. Napapamura ako sa bawat pag angat ng sinasakyan ko. Ganun din ang pinsan ko, at nung malapit ng matapos, natatawa na ako dahil parang may kumikilit sa tyan ko. Pagbaba naman tawa na kami ng tawa dahil sa mga pinag gagawa naming pagsigaw habang nakasakay. Paos at masaya ang pakiramdam ko, pero may takot padin na kumapit sa akin na kahit naisigaw ko na ang lahat.
Nagtataka lang ako bat nga pala tayo nagbabayad para lang matakot? Parang naguubos lang ng pera, para sa akin lang. Yung iba sigurado akong nag eenjoy sila sa pagsakay dahil yun ang trip nila sa buhay nila, hindi makukumpleto ang pagpunta nila ng amusement parks kapag hindi sumakay sa mga rides na mahahabang pila kahit isang rides lang sulit na ang bayad, sa ngalan ng kaligayahan. Noong pumunta kami ng Enchanted Kingdom, ramdam ko ang takot at pagdadalawang isip kung sasakay ba ako o hindi, pero nanaig ang takot kaya hindi ako sumakay.
Dito lang ako nag tataka, bat pa magbabayad sa horror train, para matakot, pero hindi naman nakakatakot.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento