Sabado, Hunyo 25, 2011

Kwentong Ako Ang May Akda.

Magpopost ako ng isang maikling istorya na pinamagatang. "Babasahin Mo Ba O Dededmahin Mo Lang? [Minsan Lang Ako Magparamdam] ang mababasang pangalan, lugar o pangyayari ay walang kinalaman sa totoong buhay, lahat ng mababasa ay galing sa imahinasyon ko. Ang bida sa istoryang ito ay si Lando "Mayor" Punongbayan, tinawag syang Mayor dahil sa apelido na pinamana sa kanya ng Mang Oca na asawa si Aling Bering. Isa lang syang anak, hindi sila mayaman.

Nasa gitna lang sila ng estado ng pagiging mahirap o may kaya, hindi naman nila pwede ilahok ang pagiging mayaman sa estadong kinatatayuan nila. Pero mas madalas silang nasa side ng pagiging mahirap. Simpleng barung-barong lang ang tinitiran ng pamilya Punongbayan. Kung may magandang kita ang mag-asawa, may masarap na pagkain. Kung wala, sapat na ang asin para idildil sa kanin.

Kahit ganun ang sitwasyon ng buhay ay nakuha pa ding makapag aral ni Lando ng Computer Science at nasa ikatlong taon na nya sa kolehiyo. Sipag at tyaga lang talaga ang tanging pinapairal ng pamilya nya. Pati si Lando nagtatrabaho sa isang fast food chain na may mascot na malusog na bubuyog. Pinagkakasya ang sweldo para sa pambayad ng tuition at pambayad ng mga bayarin sa bahay. Kahit ganoon ang buhay, masaya padin si Lando.

Katrabaho nya ang long time crush nya na si Mariel. Grade 5 pa lang ata ay patay na patay na si Lando sa kanya. Bawat araw na makita nya ito, lumalakas ang loob ng binata para magpursige sa pag-aaral at pag tatrabaho. Si Mariel lang ang natatangi nyang kayaman sa mundo, pero hindi nya makayanang ligawan ito, una na sa dahilan nya ay mahirap lang sya at hindi nya makakayang kumain sila sa mahal na kainan. Pero hindi alam ng binata na gustong gusto sya ni Mariel.

Abangan na lang ang mga panibagong labas ng istoryang ito.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento