Biglang umalis si Mariel, nakasimangot sya. Pero ako naman pinagbuksan ko pa sya ng pinto at sabay kaway. Hindi ko talaga maintindihan kung ano ang biglang nagpaiba ng mood nya o kung anong dahilan bat parang sobrang galit sya. Para lang pala akong tanga sa ginawa ko, imbes na amuhin ko sya pinagbuksan ko pa sya ng pinto. Hindi ko na din nagawang ihatid sya sa sakayan ng pedicab. Binabagabag kasi ako ng tawag ni Mirz parang gusto ko ulit syang ligawan, pero may mahal na akong iba, ang lakas lang talaga makatukso ng sinabi nya, ako naman parang si Eba na kakagat sa mansanas. Pero hindi pwede tong mangyari, ayaw kong mawala si Mariel sa akin, pero wala naman talagang kasiguraduhan kung sa akin talaga sya. Bahala na araw araw namang nakikita ko sya, ang problema lang hindi ko talaga masabi sa kanyan ng diretsahan kung gaano ko sya kamahal, at hindi lang yon, pati yung intensyon ko bat gusto ko sya maging girlfriend, mahirap daw magkaroon ng relasyon lagi sa aking sinasabi ng mga kapitbahay kong kababata ko dati pero may mga anak at asawa na. Kapag napasok ka daw sa isang relasyon parang isang selda na kulong ka daw at ang tanging paraan daw para makawala ay kung makikipag break ka. Kung hindi ka naman daw makikipag break ikaw na ang bahala kung kakayanin mo ang parusang ibibigay sayo ng mahal mo. Kadalasan daw kasi sa babae bossy daw, sila daw ang dapat masunod, kung ano ang gusto dapat ibigay. Sa palagay ko naman hindi naman ganun si Mariel kung magiging kami, baka sya pa ang ang magbigay nang magbigay sa akin, dahil alam nyang hindi kami mayaman. Baka bilan pa ako nun ng mga gusto kong damit at sapatos, nakakahiya nga lang, baka isipin nyang mukha akong pera. Tinext ko na lang sya.
"Nsn knb? Ingat k.."
Hindi sya nagreply, ganun naman talaga ang babae kapag galit sila hindi sila iimik kung tatanungin mong okay lang sila, sasagot na okay lang sila. Sa kaloob-looban nun gusto ka na nilang buhusan ng kumukulong mantika. Nagtataka lang ako bat ko pa pala itatanong sa kanya kung okay lang sya kung alam ko namang hindi, para namang katangahan yung tanong na yun. Baka lalo lang mag-init ang ulo nya. Kaya kapag ganito na ang sitwasyon, hinahayaan ko na muna na lumamig ang ulo nya saka ko sya itetext ulit. Pero kung wala talagang reply, hindi ako mag-iisip na wala syang load dahil naka plan daw sya, galit lang talaga yun kapag ganun na ang nangyayari. Kung itetext ko sya ng itetext at paload ako ng paload siguradong ubos ang load ko. Biglang may naghagis sa akin ng isang supot na may lamang bagong lutong pandesal---si Tatay pala. Si Neneng naman tuwang tuwa dahil may pandesal na naman na isasawsaw nya sa mainit na kape. Ang bata bata pa lang nya mahilig na sa kape, wala namang magagawa wala kaming pambili ng gatas kaya kape muna ang iinumin nya. Kung meron namang pera bibilan namin sya ng gatas. Hindi na nga pala ako pumapasok sa trabaho ko, ayaw ko na doon, yung manager ko sobrang bossy at daig pa yung may ari ng branch namin kung makapanermon. Buti pa yung may ari nun, kapag pasko bibigyan kami ng hamon, kapag naman pasukan school supplies para daw sa mga kapatid namin, kapag pyestang patay wala sya nasa simenteryo pinupuntahan nya ang asawa nyang matagal ng yumao.
Tiitiitit tiitiit tiitii tiit.
May nag text!
"I'm home. Bye"
Natuwa na din ako kahit pa parang ampalaya shake ang lasa ng text nya sa akin. Hindi ko na lang nireplayan, away lang ang aabutin nun. Alas kuwatro na ng hapon, hindi naman na ganun katirik ang araw at puro ulap ang matatanaw sa langit, umakyat ako sa bubungan at tinignan ang mga kalapati na pag mamay ari ni Berto yung kababata ko na mabaho kahit maligo pa. Humiga ako sa bubungan at nakatingin sa langit, nangangarap ako na kasal na kami ni Mariel at sinabi ko:
"Mariel Punongbayan"
May kasamang action na wari ba'y pinunasan ko ang langit habang binabanggit ko ang pangalan nya na kasama ang aking apelido. Libre lang talaga mangarap wag nga lang aasa ng sobra, masakit kaya masaktan sa pag-ibig sabi ni Berto, para daw yang kalapati na aalagaan mo, papakainin, bibigyan ng tirahan, pero kapag nadagit ng iba, ang sakit lang. Syempre saan pa ba nya maihahalintulad ang lahat ng bagay kung hindi sa kalapati.
Lunes, Agosto 15, 2011
Lunes, Hulyo 4, 2011
XVIII. BABASAHIN MO BA O DEDEDMAHIN MO LANG? [MINSAN LANG AKO MAGPARAMDAM]
Sa hindi inaasahang pagkakataon, tumawag ang dating ka M.U. ni Lando na si Miraflor, Mirz for short. Naging kaklase ito ni Lando noong 1st year 2nd semester, dumating ang pasukan para sa 2nd year, wala na si Mirz at ganito ang kwento. 1st year college ako noon, at unang araw ng pasukan, sya ang katabi ko, hindi ko pa sya masyadong pinapansin. Maganda sya, mabango, makinis, maputi, nakakagigil. Pero sabi ko sa sarili ko, mukhang hindi kakayanin ng powers ko kausapin sya, mukhang matapobre at mapang-api sa tulad kong mukhang lupa lang, sya naman ay may kagandahang mala anghel sa kalangitan. Filipino ang unang subject, meron na akong classcard at sinusulatan ko na, at bigla nya akong kinalabit, nanghihingi sya ng classcard kasi wala pa syang ganun. Binigyan ko naman, pagkatapos magsulat ay nagpakilala sa harapan ng klase at ako na ang magpapakilala.
"Ako po si Lando Punongbayan, pwede nyo akong tawaging MAYOR"
Tawanan ang buong klase, hindi ata nila na gets na Punongbayan ang tagalog ng Mayor. Natapos ang klase at bigla akong kinamayan ni Miraflor, sabi nya "Ako si Miraflor, kanina habang nagsasalita ako hindi ka naman nakikinig hehe" Nagsorry agad ako, at napakamot ng ulo. Nagyaya sya na kung gusto kong kumain, libre daw nya at pwede ko ba daw syang samahan sa registrars para kunin ang classcard nya. No choice, wala din naman akong gagawin at wala pa akong kakilala. Walang pagdadalawang isip ay agad akong pumayag sabay sabi na "Nakakahiya naman, pero tara" tumawa sya kasi naman daw mahihiya pa ako sabay papayag din pala. Lakad na kami papuntang registrars, biglang may nakabangga sa kanya at nalaglag ang gamit nya, nagsorry yung lalake "Pre sorry nabangga ko girlfriend mo" Nagkatinginan kami at nagtawanan, pagkamalan ba kaming mag-syota!? Ako natawa ako dahil imposibleng magkaroon ng magandang syota ang tulad ko, siguro sya natawa ay dahil imposibleng magkaroon ng syotang syokoy ang babaeng maganda. Tinulungan ko syang ayusin ang gamit nya at nagpatuloy kaming maglakad papunta sa registrars office. Biglang bumungad sa amin yung masungit na babae sa loob, ewan ko ba kung ano ang trabaho nya dun, mukha syang amazona
Kinatok ko ang bintana, biglang nagtaray yung babaeng mukhang amazona. Tumaas agad ang tono ng boses nya, ako naman mahina ang boses, humingi ako ng classcard binigay yung listahan ng klase ni Miraflor at binigay sa akin ang classcard na may kasamang taas kilay at pabulong-bulong galing sa babaeng mukhang amazona. Dahil sa pagkuha ko ng classcard nya ay naging close kami, at nagkahulugan na ng loob, lagi ko na syang hinahatid pauwi, minsan ililibre ko sya sa fishbolan, kung may pera ice cream lang. At bigla na lang nya akong iniwan noong 2nd year, lumipat na ng school, hindi ko alam kung bakit. Baka may iba na syang gusto at sinundan nya, ako naman dito na lang hindi ako tanga para magpalipat lipat ng school para lang sa babae.
Ngayon tumawag sya sinagot ko ang cellphone:
["Hello, sino to?"
"Lando, hindi mo ba kilala boses ko?"
"Sino nga to?"
"Si Mirz, namiss na kita."
"Namiss din naman kita, kumusta na?"
"Heto, malungkot, ikaw ba?"
"Okay lang ako Mirz, bat ka naman malungkot?"
"Namimiss na kita"
"..."
"Hmm bakit?"
"Namiss ko ang kakulitan mo"
"Haha, kakulitan ko lang pala ang namiss mo eh"
"Oo, busy ka ba?"
"Hindi naman, pero hindi talaga ako masaya, namiss mo lang ang kakulitan ko at hindi ako ang namiss mo haha"
"Syempre alam na yun, namiss din kita no"
"Ang tagal din nating hindi nakapag-usap Mirz"
"Onga Mayor, may itatanong sana ako"
"Oh ano naman yon?"
"Lando, bat ka nawala dati, bat ka sumuko?"
"Hindi ako ang sumuko, iniwan mo ako, ano pang gagawin ko, ikaw na mismo ang lumayo, hindi ako sumuko, nakipaglaban ako sa nararamdaman ko, kahit may nagustuhan ako, ikaw padin ang hinahanap ko, pero hindi ko mahanap sa iba."
"Eh kasi naman Lando, akala ko sumuko ka na, ano kaya kung maging tayo? Masaya kaya?"
"Oo naman masaya yun, sigurado ako"
"Lando..."
"Mirz"
"Bigyan kita ng chance Lando"
"Mirz, mukhang hindi tama to. Pero mahal padin kita Mirz"
"Bakit naman, binibigyan na kita ng chance"
"Malayo ka sa akin, hindi tayo magkasama, tapos kakagat ako sa offer mo na to, parang nanlalamang na ako"
"Hindi, binibigyan kita ng chance"
"Ang chance dapat binibigay sa taong deserving"
"Lando naman eh *humihikbi*"
"Wag kang umiyak dyan, hindi dapat iyakan ang tulad ko. Hindi sa nag aassume ako na magiging tayo, pero kung magiging tayo at nagbreak, magkakailangan, magkakaroon ng balakid sa pagkakaibigan. Masaya na ako na sa ganitong estado"
"Kasi naman Lando, binibigyan na kita ng chance"
"Salamat na lang Mirz sa binigay mong offer, kahit paano napangiti mo ako, espesyal ka sa akin, kaibigan kita, mahal kita, mahalaga ka sa puso ko"
"Sige kung ganyan ang gusto mo, wala na akong magagawa Lando, nasaktan kita kaya siguro ayaw mo muna."
"Darating din ang araw na magiging masaya tayo"]
Naputol ang tawag at lumabas na ako ng banyo, nakaupo lang si Mariel sa upuan habang nanunuod ng cartoons kasama si Neneng. Enjoy silang dalawa. Nilapitan ko sila at tinignan, nagtawanan lang kami. Umupo na din ako at nanuod patuloy kong inisip ang sinabi ni Mirz, naguguluhan ako, iwan ko kaya si Mariel para kay Mirz, si Mirz nag offer na, si Mariel hindi naman. Pero ayaw kong mawala si Mirz at Mariel sa akin. Babaero na kung tawagin akong babaero, napupunit ako sa dalawa. Mahal ko si Mariel dapat labanan ko tong tukso na ito.

Lunes, Hunyo 27, 2011
XVII. BABASAHIN MO BA O DEDEDMAHIN MO LANG? [MINSAN LANG AKO MAGPARAMDAM]
Naglakad kami pauwi sa bahay, tutal malapit naman ang bahay at sanay sa lakaran tong si Mariel ewan ko lang kay Neneng kung kaya nya pa maglakad o magpapakarga na sa akin. Pero sa tingin ko enjoy naman tong bata at nakangiti ba habang napapapikit dahil tumitingala sya at nasisinagan ang mata nya. Pinagsabihan kong wag syang tumingin sa araw at mabubulag sya. Si Mariel naman tinitignan din si Mariel pero halatang wala syang interes sa mga oras na yon, dahil nakatuon ang atensyon nya kay Neneng. Mahilig sa bata si Mariel lalo na kapag daw bibo, minsan nga yung batang pulubi dun sa tapat ng school ay nanlilimos sa kanya, pero inutusan ko yung bata na kumanta. Una nagalit sa akin si Mariel pero nang kumanta na ang bata ay biglang napangiti sya at hindi mapigil ang tuwa, hinatak nya ang bata sa pinaka malapit na bakeshop at binilan nya ng tinapay at inuman, at binigyan nya pa ng limang daang piso.
Kung kasing buti ni Mariel lahat ng tao sa mga pulubi, tiyak walang pulubing naka yapak lahat naka Havaianas tapos naka tshirt ng Artwork at naka pabango ng Penshoppe. Talagang maawain si Mariel sa mahihirap, kahit mayaman kasi sya hindi sya nandidiring humawak sa mga batang yagit, hindi katulad ko na mahirap din eh mas maarte pa ako sa ipis. Kung sino pa ang tulad kong dukha yun pa ang maarte. Lagi nga akong may dalang hand sanitizer eh. Pero walang powder para sa mukha, walang salamin, na katulad ng ibang lalake na malandi pa sa kambing kung mag-ayos ng sarili. Tanging pinang didipensa lang nila ay kailangan daw mukha kang malinis at presintable. Eh paano ka magiging mukhang presintable at malinis kung maya maya kang nag lalagay ng pulbos sa mukha mo, baka akalain na aattend ka sa isang Halloween Party.
Malapit na sa bahay na kulay pink ang bakod na mukhang dinekwat namin sa MMDA pink fences, pero sabi ko nga chicken wire yan na pininturahan ni Nanay ng pink. Kaya kung lalabas kami ni Tatay ay nahihiya kami sa bakod namin, mukha tuloy kaming magnanakaw ng pink fences. Halos alas dos na ng hapon pumasok na kami sa loob ng bahay, si Neneng diretso sa kwarto nila Nanay at Tatay. Tinawag nya siguro si Mariel naman pinaupo ko lang muna at magpahinga sya sandali dahil mainit at naglakad kami baka napagod sya, ako naman kumuha ng electric fan at itinutok sa kanya. Nililipad ang buhok nyang akala mo'y pinaliguan sa pinaka mahal na shampoo, ang nipis ng hibla ng buhok nya, pero maganda ang bagsak. Ano ba tong pinagsasabi ko, mukha tuloy akong hair expert, hindi ako si Ricky Reyes ah. Nilabas ko sa pridyider ang 1.5 litro na Pepsi, kahapon ko pa to binili buti na lang hindi ko ininom kahapon, dahil nagkape na lang ako.
Lumabas na si Nanay at si Tatay, nag mano ako sabay sabing:
"Nay, Tay sya si Mariel yung kasamahan ko sa trabaho at kaklase ko din at kaibigan ko sya nung elementary. Buti nga nakita ko sya ulit, hehehe."
Si Tatay naman may pasimpleng tirada:
"Oh hija, masaya ba at masarap ba maging boyfriend tong anak ko? Alam mo bang ikaw pa lang ang dinala nyang babae dito, sabi ko noon wag muna syang makikipag relasyon, pero sa tulad mong maganda at alam kong mabait ka sa itsura palang, payag na ako."
Sumagot ako ng may halong inis:
"Tay kaibigan ko lang sya...Basta po."
Si Nanay naman kinamusta lang si Mariel at nag iwan ng onteng salita ewan ko kung bakit:
"Hija, kumusta? Matino ba to sa school at sa trabaho? Kung hindi sabihin mo sa akin at pipingutin ko yan."
Tumawa si Mariel at sumagot:
"Mabait po sya sa school at trabaho, kaso palaging late hahaha. Hindi ko po sya nobyo magkaibigan lang po talaga kami, as in close friend ko po sya, pwede na ding best friend."
Natigil ang usapan, binuksan ni Nanay ang tv, si Tatay nagluto na ng pagkain, kahit alam na nilang kumain kami, gusto padin nila pakain si Mariel, magaling magluto ang Tatay ko, bukod sa magaling sa pagaayos ng kuryente master chef ng bahay yan, talo pa nga nya si Nanay sa pag gayat ng mga gulay.

Linggo, Hunyo 26, 2011
XVI. BABASAHIN MO BA O DEDEDMAHIN MO LANG? [MINSAN LANG AKO MAGPARAMDAM]
Nagyaya ako kay Mariel kung gusto nyang pumunta ng bahay, gusto ko din kasi syang ipakilala kay Nanay at Tatay. Pero bat ko nga ba gagawin to? Hindi ko naman sya syota, hindi ko din sya nililigawan? Unang beses ko pa lang gagawin na magpakilala at magdala ng babae sa bahay sa buong buhay ko. Katakot takot na kaba ang bumabalot sa isipan ko, kung okay lang ba sa magulang ko na magdala ako ng babae sa bahay. Sabi kasi nila na wag akong magkaroon ng nobya kung nag-aaral pa lang, dapat daw tapusin ko ang pag-aaral bago ang manligaw. Panira daw sa pag-aaral ang pumasok sa isang relasyon. Minsan daw kasi, ito na yung nagiging mitsa ng katamaran, o kaya naman naguguluhan ka daw kapag magkaaway kayo ng syota mo at na aapektuhan ang pagsagot mo sa quiz o exam.
Para sa akin lang sino ba namang tanga ang hahayaan ang relasyon nila na mag away palagi.
Pero wala nga daw na perpektong relasyon, bawat relasyon laging may away. Kung wala daw away ay parang walang selos na nararamdaman, at mabuti daw ang magselos at wag lang daw sobra. Kung nagseselos ka daw kasi, ibig sabihin nun ayaw mo mapunta ang mahal mo sa iba, at handa kang makipagsuntukan sa pitong lasing na may dalang baril at panaksak, bawat putok at saksak daw kakayanin mong tanggapin sa ngalan ng pagmamahal.
Eh para naman tanga yun, bat si Tatay, nasaksak, hindi naman sa ngalan ng pag-ibig, sa ngalan ng alak. Nag iinuman kasi sila, tapos bigla syang kumanta, hindi naman My Way ang kinanta nya, kung yun ang kinanta nya, kami na lang ni Nanay ang nabubuhay ngayon.
Ito naman si Neneng hawak ko ang kaliwang kamay, tapos hawak ni Mariel ang kanang kamay ng bata. Parang one big o small happy family kami. Kinikilig ako at naiisip ko na ang future naming dalawa. At magsasama kami ng matiwasay at hindi gumagamit ng dahas at purong pag-ibig at respeto ang bubukal sa aming mga puso. Lets go back to reality, wow kaya ko pala mag english, kaso kapiranggot lang. Tuwang tuwa si Neneng, sabi nya:
"Ikaw Kuya Lando, ikaw dade ko, ikaw Ate Mariel, ikaw mame ko" Sabay dinikit nya ang kamay namin. Tumawa sya na parang binigyan mo ng isang supot ng tsokolate.
Ito talagang batang ito, pilya. Pero salamat sa ginawa nya kinilig ako at sa unang pagkakataon, nahawakan at dumikit na ang kamay ko sa kanya, matagal ko ng inaasam ito at sa wakas nangyari na. Pwede na akong....ayaw kong mamamatay. Pwede na akong kiligin ng todo-todo. As in yung boom na boom na kilig. Habang naglalakad kami ay hiniram ni Neneng ang phone ni Mariel at akmang kukuhaan kami ng larawan. Sabi ni Mariel:
"Kukuhaan mo ba kami? Akin na ayusin ko"
Naayos ang camera ng phone at kinuhaan kami ni Neneng, ito talagang batang to, nagsisilbing tulay sa isang tulad ko na ilog na kung saan papadaloy at tatangayin. Buti na lang nandito tong batang ito kung hindi ako makakapag ani ng pogi points.

Sabado, Hunyo 25, 2011
XV. BABASAHIN MO BA O DEDEDMAHIN MO LANG? [MINSAN LANG AKO MAGPARAMDAM]
Nagtext ang Nanay ko.
"Anak, ingatan mo yang si Neneng wag mong gugutumin yan"
Agad akong nagreply.
"op0 nay.. Ksma k0 si Mariel mkaen n kme."
Si Mariel naman parang tinopak na naman, nawala ang ngiti sa labi nya, si Neneng masayang naglalaro dun kasama ang ibang bata. Natanggal ang kulit ko nang makita ko ang labi nya na naglapat at mukhang ruler dahil diretsong diretso. Sobrang natahimik ako hindi ko alam ang maaring maging kasunod nito. Pwede syang mag walk out na hindi naman nya ginagawa sa akin, pwede din syang sumigaw at murahin ako pero hindi pa naman nya to nagawa sa akin. Pwede din syang mag amok at balian ako ng buto, wag nya sana tong gawin sa akin. Pwede din syang umiyak agad, nakita ko na sya kung paano umiyak at nadudurog ang puso ko dahil hindi ko alam ang gagawin para patahimikin sya. Ewan ko ba sa twing nakakakita ako ng babaeng umiiyak, hindi ko makaya silang tignan. Nanlalambot ang tuhod ko, hindi ko alam bakit. Naalala ko dati nung nag-away si Tatay at si Nanay. Inambahan ni Tatay si Nanay dahil sa sobrang galit, nakita ko ng unang beses kung paano humagulgol si Nanay, at gusto kong labanan si Tatay kaso naisip kong hindi tama, tatay ko padin sya. Halos hindi na makahinga ang nanay ko sa kakaiyak, ako naman natataranta kung ano ang gagawin ko. Yayakapin ko ba, o hihimasin ang likod. Ganyan din ang naramdaman ko nung kay Mariel, umalis na lang ako. Hindi ko alam mag comfort ng babae, ano ba naman ako, torpe na tanga pa.
Tumayo na si Mariel, hindi na pwedeng maging torpe. Hinawakan ko ang kamay nya at sinabi ko saan sya pupunta ang tanging sagot nya.
"Wag mo akong hawakan Lando, gago ka, bitawan mo ako ihing-ihi na ako"
Napuno ng hahahahahahahahahahahaha ang isip ko at halos namula ako sa kakapigil ng tawa ko agad ko syang binitawan at bumungisngis ako at hindi ko na mapigilan tumawa ako ng malakas. Nakapasok na si Mariel sa banyo nung oras na yon, tawa padin ako ng tawa pinagtinginan ako ng mga tao doon at nahiya ako, halos lahat nakatingin sa akin mula sa security guard, cashier, manager, matanda, kahit mga batang kasama ni Neneng nakatingin sa akin. Nakakahiya ang pag tawa ko simula ngayon hindi na ako tatawa ng malakas, pero baka hindi sila nainis sa ginawa ko, iniisip siguro nilang baliw ako dahil tumatawa akong mag-isa. Pero bahala sila, kung alam lang nila hahaha.
Lumabas na si Mariel nakangiti na ulit, akala ko tinopak na naman yun pala naiihi lang sya sabi nya puntahan daw namin si Neneng dahil tapos naman na daw kami kumain ay panuorin namin ang bata habang naglalaro. Payag naman ako. Habang nanunuod sa mga bata nagkwento ako kay Mariel tungkol sa kabataan ko. Sabi ko.
"Alam mo ba Mariel, mapait ang kabataan ko. Wala akong kapatid, ako lang. Kaya kung malungkot ako wala akong kalaro, kung meron man si Tatay. Wala din akong laruan, laruan ko lang yung mga pitsa piraso ng kahoy, goma, at kahit anong makita ko sa bahay. Minsan nga si Tatay nanghahanap ng kung anu-anong bagay tapos gagawin nyang laruan ko, may nagawa din syang simpleng laruan. Yung kotseng de baterya, inayos nya yon at ginawa nyang robot. Binaklas nya at nilagyan ng glue, instant Voltes V yun, eh ikaw musta pagkabata mo?"
Napangiti si Mariel sa kwento ko sya naman ang magkukwento.
"Alam mo naman na laki ako sa Amerika, lagi lang akong nasa bahay. School bahay simbahan lang ang lagi naming pinupuntahan. May sakit kasi ako noong bata ako, at ayaw din ng dad ko na ma bully ako. Alam mo naman sa Amerika, mga bata don kakaiba, hindi katulad ng mga pinoy na likas na mabait, kung magkakaboyfriend nga ako gusto ko padin Filipino."
Ngumiti na lang ako at pasimpleng nagsabi na:
"Ang cute ng mga bata, sana magka anak na ako" binatukan ako ni Mariel sabay tawa.

XIV. BABASAHIN MO BA O DEDEDMAHIN MO LANG? [MINSAN LANG AKO MAGPARAMDAM]
Tinimplahan ko ng gatas tong pamangkin ko, hindi ko lang alam kung sa baso na sya umiinom. Eh para maiba nilagyan ko ng straw ang gatas nyang nasa baso, pagkabigay ko sakanya sabi ay parang Jollibee daw. Para naman matuwa talaga sya nagsuot na lang ako ng uniporme ko, tapos nagluto ako ng sinangag at nilagay ko sa tray, kunwari nag order sya ng pagkain, at ako ang food server. Naka ngiti sya sa akin, nilapitan nya ako at niyakap sabay bulong sa akin ng “I lab yu kuya.” Ako naman napangiti na lang dahil ang sarap ng pakiramdam na meron kang kapatid na bata, kahit makulit eh kapag pinatawa mo talagang tatawa.
Napag aralan ko sa psychology nung first year college ako, pero nakalimutan ko na yung tawag, yung bata daw alukin mo ng bente pesos at tatlong piso, pipiliin daw nung bata yung tatlong piso. Eh para mapantunayan ko sinubukan ko sa pamangkin ko, pinakita ko yung bente pesos, at tatlong piso. Sabi ko kumuha sya, aba sinagot ba naman ako na “Bakit kuya meron kang bente tres pesos? Sayo yan eh, ayaw ko kumuha.” Ang inaasahan kong pagkuha nya sa tres ay hindi nangyari, nagulat ako marunong na syang magbilang sa bata nyang edad, ako ata naka ilang palo pa si Nanay sa akin, sumbong ako ng sumbong kay Tatay na pinalo ako ni Nanay dahil hindi ako nagbibilang, pipingunitin naman ako ni Tatay at dadalin ako kay Nanay.
Eh dahil naman bibo tong pamangkin ko tinanong ko kung nasaan si Tatay at Nanay, sumagot sya agad, nagpunta daw ng palengke nagtinda daw, uuwi daw ng alas dose ng tanghali. Nako tong bata na to, madaldal madaming alam agad bata pa lang. Medyo tinatamad na ako dito sa bahay, eh bagong ligo naman ako punta na lang kaming Mcdo. Iwanan ko na lang sila ng sulat na dinala ko itong bata. Text ko na din tong si Mariel.
“Mariel, hehe, pwd 12 n lng tau mgkita sa mcd0?? My ksma ak0ng girl.. hehe, pnta k n dali..”
“Gago ka Lando, :( sino yang kasama mo?”
“Bsta pnta k na lng hehe..”
Hehehe halatang selos agad tong si Mariel sa sinabi ko. Pero hindi padin ako ready na sabihin na mahal ko sya, i eenjoy ko na lang kung anong meron na namamagitan sa aming dalawa. Masaya naman kami eh, kahit hindi kami. Okay na din. Kahit walang lambingan. Okay na din. Pero parang kinukundisyon ko lang ang isip ko na okay lang, hindi naman ako tanga, mas gusto kong maging kami na lang at hindi ko sya papakawalan. Pero baka naman pag sinabi kong MAHAL KITA MARIEL AT HINDI KITA PAPAKAWALAN, baka pumasok sa isip nya na ilalagay ko sya sa isang kural, para makatakas sya sisipain nya yung kural at ako naman ang sisipain nya. Lagi ko nalang naiisip na sisipain nya ako, paano ba naman kasi, kapag naglalakad kami yan palagi ang kinukwento nya ang mga bagay tungkol sa mundo ng martial arts, eh hindi ko tipo yung manakit, mas gusto ko pang manuod ng home shopping network na nagbebenta ng pampalaki ng boobs, kaysa manood ng boxing o ufc.
Naka dating na din sa mcdo, sabi ni Mariel wait lang daw ng 5 minutes at malapit na sya. biglang may nagtext.
“Sino ba kasi yang kasama mo? Naiinis na ako.”
“Bsta, wg k mainis..”
Isang malakas na tawa ang narinig ko, sya na pala yon. Natawa ata sya dahil kala nya babaeng dalaga na ang kasama ko, yung pamangkin ko lang ang kasama ko. Lumapit sya at kinausap ang pamangkin ko, tinanong ni Mariel kung ano ang pangalan ng pamangkin ko bibong bibo sumagot with matching ngiti“Ako si Neneng, ikaw ano pangalan mo?” tuwang tuwa si Mariel at sinabi nya ang pangalan nya ako naman biglan sumabat “Tagal tagal ko ng tinatanong anong pangalan mo hindi ka sumasagot! Hahaha”Tawanan lang kami, nag order na ako ng float yun muna. Tapos burger at isang kiddie meal para kay Neneng. Tuwang tuwa ang bata, dahil sa probinsya puro kalabaw ang kalaro nya, ngayon laruan na talaga ang nilalaro nya.
XIII. BABASAHIN MO BA O DEDEDMAHIN MO LANG? [MINSAN LANG AKO MAGPARAMDAM]
Tirik na ang araw ng magising ako mula sa pag katulog ng lasing, binuhat pala ako ni Tatay. Pero amoy suka ako, hindi na ako pinaliguan, malaki na kasi ako. May kakaiba lang akong nararamdaman sa bulsa ko, may bato. Teka ito yung kagabi na sinisipa sipa ko ah at sabi ko pa gagawin ko itong sign, kung maiuuwi ko ito matutulog ako sa pag-aaral. Ibig sabihin matutuloy! Yes! Pero ayaw kong umasa sa sign, basta gagawa na lang kami ng paraan. Mag almusal na ba ako o maligo? Amoy suka talaga ako, nandidiri ako sa sarili ko, hindi na talaga ako iinom pang muli hindi ko naman pala kaya. Sino ba kasing nag udyok sa akin na laklakin ang alak ng bote at yakapin ang espiritu nito. Tinamaan ako ng libog kagabi, hindi ko na ililihim yon. Gusto ko na makatikim ng luto ng Diyos, pero parang may force field na humarang. At narinig ko ata ang tilaok ng manok ni San Pedro. Teka maliligo na ako. Hindi ko matiis tong amoy ko.
Ramdam ko ang init sa loob ng banyo, kasi yero lang at walang kisame ang banyo. Ang banyo ay nasa labas ng bahay, gawa sa “Fly wood” daw sabi ni Nanay. Trapal, yero, pvc pipe, at tira tirang hollow blocks. Si Tatay ang gumawa nyan, astig nga eh. Ang mayayaman, walang banyo sa labas ng bahay.
Umandar na naman ang katamaran ko, naupo ako sa inidoro at nagmuni muni, nag isip, nangarap na bati na kami ni Mariel. Nag awol nga pala ako, nako laking problema to. Bukas papasok na ako sa trabaho. Umabsent din ako sa klase. Dapat maayos ko na to. Pero gusto ko muna managinip ng gising habang naka upo sa trono ko at nagbabagsak ng mga troso. Sarap siguro ng pakiramdam kapag hawak ko ang kaay ni Mariel, tapos hinahalikan ko ang pisngi at labi nya, sabay yayakap sya sa akin ng mahigpit. Mahigpit kaya sya? Baka sipain ako ng napaka tindi sa mukha nun. Nakwento nya pa sa akin na panatiko daw sya ng UFC. Brutal daw na labanan yon! Nako nakakatakot, baka buntalin talaga nya ako, pero hindi naman nya magagawa yon kung mahal nya ako. Dapat mahalin nya ako, pero ayaw kong umasa. Teka makaligo na nga.
________________________________
Ano na kayang nagyayari kay Lando? Miss ko na sya nagsisisi ako sa mga nasabi ko sakanya. Mahal ko naman sya, bat ko sya inaway. Minsan talaga hindi ko maintindihan ang sarili ko, nandyan na nga papakawalan ko pa. Noong high school pa, sya na yung lalaki na laging kong tinitignan, hindi dahil nagagwapuhan ako sa kanya, hindi naman sya kagwapuhan talaga, pero there’s something sa kanya. I love the way he smile. Lalo na kapag makikita nya akong nakatingin sa kanya sabay ngiginit sya. Sobrang kilig ako. Hmm, text ko kaya sya? Kaso baka walang load. Loadan ko na lang sya, sisingilin ko naman sya eh.
“Mayor? Sorry na. Can we talk? Kita tayo, please hindi ko kaya na hindi ka makausap at makita. I miss you.”
Utusan ko na lang si manang, para loadan kami.
“Ma’am okay na po yung load”
Text ko sya ulit.
“Mayor, niloadan na kita, text ka na please, 15 minutes na akong naghihintay sa text mo”
“Ay, mariel!! s0ri late reply, kktp0s k0 lng mlig0 ehh.. Slmat s l0ad bbyran ko ito, kita tayo bukas ahh, sa mcd0 na lng hehe”
Sa wakas nag text na ang lalaking matagal ko ng minamahal.
___________________________
Yeah ang saya. Nag text sya! Pero nakakahiya dahil sya pa ang nagload, di bale babayaran ko na lang sya at may P400 pa naman ako ililibre ko sya. Ang saya talaga oh kapag sinuswerte ka naman. Wala na siguro ang tampo nya.
Pag ka bihis ko nakita ko ang pamangkin ko, lumapit sya niyakap ako. Inamoy nya ako, bango daw. Kinurot ko naman pisngi nya sabay kinarga, lumabas kami binilan ko sya ng paborito nyang kendi. Alam kong hindi dapat binibigyan ng kendi to, dahil masisira agad ang ipin nya, di bale paminsan minsan lang. At himala wala na naman sina Tatay at Nanay, san na naman kaya sila nagpunta?
XII. BABASAHIN MO BA O DEDEDMAHIN MO LANG? [MINSAN LANG AKO MAGPARAMDAM]
Makalayas na nga muna. Gusto kong maglasing kahit hindi ako umiinom, gusto ko lang maramdaman ang tama ng alak, gusto kong mapuno ng alak ang sikmura ko, gusto kong masunog ng alak ang atay at apdo ko sa sama ng loob na nararamdaman ko, gusto ko ding tumikim ng yosi para mausukan ang baga ko, gusto ko isang hipat instant lung cancer. Dala ko lang ay isang bag na may laman na 2 tshirt at isang libong piso. Lakad na palabas, ang sama ng loob ko. Gusto ko pa mag aral, gusto ko makatapos, pero kulang ang kinikita ko sa pag tatrabaho. Parang nagtrabaho ako pero pamasahe lang ang sahod. Bahala na, teteks ko na lang ang mga tropa ko tutal mahilig naman silang uminom at ako ang paborito nilang niyayaya at trip ata nila akong lasingin. Ako ang lagi nilang tinutukso dahil hindi ako umiinom, bading daw ang hindi umiinom ng alak. Bat naman ako iinom ang sabi ko, masama ang alak sa kalusugan dagdag ko pa. Pero tinatawanan lang nila ako, minsan nga inabutan ako ng tropa ko ng marijuana, sindihan ko daw at hipatin, kung hindi sasaksakin nya ako. Tumanggi ako, hindi nya ako sinaksak, tinetesting lang daw nya ako. Ako pa lang daw ang tropa nya na, birhen pa, hindi pala away, takot makapanakit ng kapwa, ayaw magyosi, ayaw mag marijuan, ayaw mag lasing, ayaw ng sugal. Baka daw bukas eh beatification ko na daw sa Vatican. Teks ko muna sila.
“Pre, sn kau? In0m tau, ak0 taya.. Game b? GM..
Naglalakad padin ako sa labas habang hinihintay ang reply ng tropa ko, ang daming gumugulo sa isip ko, pag-aaral ko, si Mariel na parang galit padin sa akin, paano ang kinabukasan ko.
“Hahahahaha. Tang ina mo! Ikaw pa mag aaya ng inuman, hnd k nga shumashot tol. Pro d ako pwd ngayon ehh, pass muna.”
Hay kahit tropa ko, hindi na ata ako matutulungan. Bahala na. Hanap na lang ako ng bar o kaya kahit videoke bar lang at makainom ng alak.
Halos trenta minutos na akong naglalakad na nakatungo. Kahit makabangga ako wala na akong pakialam. Kahit bugbugin pa ako ng mabangga ko, bahala na ang buong lahi ng superheroes, isama mo pa si panday. Habang naglalakad, natatawa ako kinakausap ko sarili ko, hindi ko makaya na hihinto ako. Ano bang nangyayari sa akin. Ito ngayon sinisipa sipa ko yung maliit na bato, galing sya sa tapat ng bahay namin ngayon kasama ko padin sya. Kung gawin ko kayang sign to na dapat pag uwi kasama ko padin sya at ibig sabihin nun makakapag aral padin ako? Ano kaya? Basta medyo may nakikita na akong karatula “Videoke 3+1 Redhorse, free pulutan and soup” May strategy tong may ari nito ah, ang daming pakulo. Bawal daw ang prostitusyon sa lungsod namin, pero bakit may mga prosti dito sa bar na to na nag aalok ng ligaya. Kakapasok ko palang may umaakap na sa akin hinahawakan ako sa binti at sa may bandang parte na parang may bundok na umuumbok. First time ko makapasok dito, nakaka shock pero okay lang. Iinom padin ako. May lumapit sa aking maputing babae. Ano daw order ko, sabi ko “1 redhorse” baka daw gusto ko syang itable, isang san mig lang daw sakanya okay na. Payag naman ako. Inuman na, usap usap. Tinanong ko ano ang pangalan nya, sabi nya Lucy daw. Ewan ko ba kung totoong pangalan nya yon o code name lang. Medyo lumalalim na ang gabi, order pa ako ng 4 na beer at pulutan. Medyo may tama na ako. Na aakit na ako sa kanya, nilapit ko na ang mga kamay ko sa hita nya, dinikit na nya ang dibdib nya sa mukha ko. Ewan ko ba, baka lasing lang talaga ako. Hinalikan ko na sya, sya din gumanti ng halik. Sabi nya ilabas ko na daw sya at mag motel na kami, sagot ko naman.“Imomotel kita? Sigurado ka?! Hindi ko nga alam kung paano makipag kantutan, hoy birhen pa ako, okay na ako sa halik” Tumawa lang sya ako naman tulala, ang init na ng pakiramdam ko, manhid ang buong katawan, ramdam ko na ang espiritu ng alak na pumapalit sa kaluluwa ko.
Inom padin ako ng inom, nakarami na ako. Halos P600 na ang nagagastos ko, yung mga pulutan natatapon ko na lang sa sahig dahil sa kalasingan. Hinawakan ko sya sa dibdib, sinampal nya ako. Ewan ko ba kung bakit, siguro ayaw nya sa dibdib sya hawakan o kaya naman naiinis sya dahil ayaw ko syang dalhin sa motel. Nagtext ang isa kong tropa.
“tol, sorry ah. may work ako eh”
Tang ina lang nila. Wala akong pakialam basta ako masaya ngayon at lasing. Kung anu ano ang pumapasok sa isip ko. Kung mag amok kaya ako dito basagin ang bote at ihostage tong katable ko, tapos ang gawin kong ransom ay para sa pag aaral ko? Ayos! Pero against ako sa violence noon pa man, kapag manonood kami ng movie ng Tatay ko, kapag may suntukan pumipikit ako. Ayaw ko makakita ng nasasaktan eh, pero kapag nakikita ko ang sarili ko ngayon sa salamin, nasasaktan ako. Nasasaktan ako dahil kay Mariel, hindi nya ata ako pinapahalagahan. Nako inom na lang. Nagsusuka na ako, hindi ko na kaya, tinext ko na ang Tatay ko.
“Pa sunduin m0 ak0 dito sa may videoke na 3+1 hindi k0 n kya.”
Ilang minuto akong nakabulagta sa labasan, hinang hina na ako. Buti na lang dumating ang tatay ko. Binuhat nya ako at sinakay sa tricycle. Nagsisigaw ako, hinahanap ko yung bato na sinisipa sipa ko. Tulog ako pag uwi.
Kinabukasan sinermunan na nya ako.
“Anak, ano ba ang problema? Sa pag aaral ba? Anak kaya natin to, magtiis lang. Isa pa, kinalkal ko ang selpon mo, nakita ko ang mga text mo sa tropa mo, tandaan mo, ang kaibigan laging nandyan, pero hindi ka kayang tulungan. Matutulungan ka sa paraan na bibigyan ka ng payo, pero kami talaga ang kailangan mo anak. Tignan mo tong, gagawing kong i activate ko tong dictionary sa phone mo, kapag itatype ko ay home, lumalabas ay good, alam mo bakit? Kasi sa tahanan dito ka lang ligtas. Anak mahal ka namin, gagawan natin yan ng paraan.”
XI. BABASAHIN MO BA O DEDEDMAHIN MO LANG? [MINSAN LANG AKO MAGPARAMDAM]
Halos 2 linggo din silang nawala. Kaso hindi ganun kaganda ang kita nila sa probinsya. Hindi masyadong maganda ang ani nila, kaya wala masyadong kita. Matatapos na ang sem, pero bagsak ako. Natuon sa trabaho ang focus ko, hindi naman sa sinisisi ko si Mariel. Ang hirap pala magtrabaho sabay mag aral. Bilib na ako sa sarili ko dahil naiisip ko na, may pera na ako, kumikita na ako, okay na hindi na mag-aral. Pero hindi pala. May katapusan lahat ng bagay sa mundo, kahit tong trabaho ko, hindi ko alam kung baka bukas mapa away ako sa isang customer na tarantado at tapunan ko sya ng kumukulong gravy sa ulo at isampal sa kanya ang pinaka malaking burger namin at ihambalos ko sakanya ang mascot ng bubuyog na malusog, sasampalin ko sya ng pera yung mamiso na galing sa cashier at yun masisibak ako ng di oras ng manager ko.
Pero hindi naman ako brutal. Hindi ko nga nagawang makipag suntukan noong elementary ako, puro lang amba, o kaya naman kapag papahawak ang tenga ng nang aasar sa akin, hahawakan ko sabay takbo o kaya naman magsosorry agad ako kapag inaambahan na ako. Nabully ako noong nasa elementary ako, kahit nung high school na, yung mga hayop na mas senior sa amin yun pa ang mahilig umaway ng freshmen. Kukunin ang bag namin, dahil nga maliit lang ako gagawin nilang pabitin ang bag ko, umiiyak na ako at sinusuntok na sa tyan yung nangtitrip sa akin, pero bale wala lang. Ngayon kapag nakikita ko sya tinatawanan ko na lang. Dahil ako college na, sya high school lang ang natapos. Hindi ko naman sa minamaliit ang mga high school, kung tutuusin madami sa kanila ang dapat mabigyan ng scholarship para magpatuloy sa kolehiyo.
Mamaya darating na siguro ang Nanay at Tatay, nakabayad na din ako ng kuryente. Okay na may kuryente na dito. Nakakanood na ako ng tv kahit de antenna lang at malabo, naka higa lang ako sa sahig, ang lamig sabay pa ang pag ulan. Maka panood nga ng dvd, na nabili ko sa halagang P20 isa, P100 lima. Ayos! Malabo ang napapanood ko sa tv na de antenna, malabo din ang dvd na kuhang sinehan pa at may tumatayong anino. Paano kaya nakakalusot sa sinehan ang kumukuha nun? Siguro ka kontsaba nya ang ilan sa guard at yung staff sa taas na nag pe-play ng movie. Pati yung tawanan ng tao narecord na din. Pati yung pag tayo ng anino nakuhaan na din. Pero sulit na din dahil sa halagang P20 parang nakapanood na din ako sa sinehan. Kahit walang 3D shades ay 3D na tong pinapanood ko, pero hindi ko matagalan. Kahit pilitin kong lakasan ang volume at ilapit ang tenga ko sa speaker, hindi ko padin maintindihan. Tunog lata.
Sasapit na ang alas diyes ng gabi wala pa sila. Medyo inaantok na ako, nagtimpla na lang ako ng kape at may tira namang paborito kong pandesal yun na ang kinain ko. Naghapunan naman ako pero gutom padin ako, bumili ako kanina ng Ma Ling sa tindahan, may natira naman yun na lang ang pinalaman ko sa pandesal. Kahit paano pala dapat akong matuto magtipid lalo na sa hirap ng buhay.
“Anak, buksan mo tong pinto”
Nandyan na sila.
Pinagbuksan ko sila ng pinto, mukha silang pagod pero nakangiti. May dalang isang bata, anak daw ng pamangkin nila, bale anak to ng pinsan ko, matatawag na din nya akong tito. Babae sya, maputi, maliit, mahaba ang buhok, hindi palangiti. Kinarga ko sya hindi sya umiimik, para wala lang, parang feeling nya lumilipad sya. Hindi ko muna tinanong kung ano ang pangalan nya, mas gusto ko muna makipaglaro sa kanya. Mukha hindi din sya nagsasalita kaya hindi ko na kinausap, may hawak syang manika, ayon hinawakan ko at nagboses babae ako, pero hindi naman boses babae, inipit ko lang ang boses ko at kunwari nagsasalita ang manika at kausap sya ng manika nya. Nakakatuwa dahil napapangiti sya at tumatawa. Bigla nya akong niyakap at tinawag nya akong kuya. Ito ang unang beses na may tumawag sa aking kuya at napatahimik ako. Madami ng bata ang tumatawag sa aking kuya, pero walang epekto. Pero nung sinabihan nya akong kuya, natulala ako. Ang saya lang sa pakiramdam. Buong buhay ko naghahanap ako ng kapatid na lalaki, pero binigyan ako ng batang kapatid na babae.
Kapag nag iisa kasi ako, at may problema wala akong makausap. Ang lungkot ng pagkabata ko lagi lang akong nasa bahay, kalaro ang mga laruan. Kaya siguro minsan naiisip kong kaya kong kausapin ang laruan. Kaya kong kontrolin ang laruan. Malungkot talaga as in. Bigla na akong tinawag ni Nanay sa kwarto, may sasabihin daw sya.
“Anak, alam mo namang wala na kaming trabaho, hirap na din ang Tatay mo, hindi din kami kumita sa probinsya, anak alam kong pangarap mong makapagtapos, alam kong mataas ang pangarap mo, may tiwala ako sayo na kaya mong abutin yan, ang problema ko lang ang problema namin ng Tatay mo ay wala ng pera anak, baka…”
Tumulo na ang luha ko, alam ko na ang kasunod, hihinto ako sa pag-aaral. Natatakot ako baka hindi na ako makapag tapos. Baka hanggang dito na lang ako. Hindi ko matanggap, ang gulo na namin ni Mariel, may panibagong bad news. May natira pa akong pera, kahit hating gabi aalis ako. Maglalasing. Hindi ko kaya!
X. BABASAHIN MO BA O DEDEDMAHIN MO LANG? [MINSAN LANG AKO MAGPARAMDAM]
Pagdating sa trabaho, trabaho agad. Pagod na ang katawan kong pagal sa maghapong pagbabanat ng buto. Wala ako sa mood mag kwento sa nangyari, nag away kasi kami. Hindi ko alam bat nasabi ko na“Ang problema kasi, hindi mo sinasabi ang problema, nandito naman ako ah! Ano ba ako sayo? Hangin lang na kung dumampi sa iyo, panandalian lang?” Nakanampucha! Tigas ng mukha ko hindi nya naman ako boyfriend nya para sabihin yon, sumakay na sya ng taxi, ako naiwan. Naglakad mag isa, para akong tanga na naghahanap ng kaligtasan sa daan, pero walang maidudulot ng kaligtasan ang daan na: madilim, may nag iinuman, madaming sasakyan, at parang daanan ng mga snatcher at holdaper sa gabi. Saan ba napupunta ang pondo ni Mayor Butanding para sa street lights? Saan ang kapangyarihan ni Mayor Butanding para magtalaga ng mga pulis na roronda o kaya si Chairman na talagang pinangatawanan ang tawag sa kanyang “Chairman” palagi na lang nakaupo, na tamad mag paikot ng mga tanod. Minsan wala na akong tiwala sa kanila, kung may mahuhuling lumalabag sa batas, ikukulong, kinabukasan. Malaya na. Ano yan? Sulit na agad ang kasalanan na ginawa nila? Kung makukuha sa sorry para saan pa ang mga pulis, hindi din makukuha ng sorry ang nasabi ko kay Mariel. Ilang yapak na rin ang nagawa ko. Hindi pa rin ako nakakakita ng sign, merong sign. Stop Sign, No Jay Walking Sign, sign sa pader na BAWAL UMIHI DITO, pero sa kabilang banda kaya, pwede ng umihi?
May mga sign pa sa jeep na no smoking, pero mismo drayber hipat ng hipat ng yosi. Trip lang ata nila ilagay yon, o trip lang nila sumuway sa batas. Simpleng batas hindi pa masunod para naman sa ikakabuti nila yon. Ang labo talaga ng tao kay hirap ispelengin. Nakauwi na ako, as usual ako lang mag isa. Wala padin si Nanay at Tatay. Maka Nanay ako, gusto ko sakanya ako laging nakatabi, hanggang ngayon, pero kapag may problema ukol sa pag-ibig si Tatay ang sandigan ko dyan. Ang dilim ng bahay pag pasok ko. Putang ina. Anong takot tong nararamdaman ko, bigla pang bumuhos ang ulan. Salamat na lang nasa bahay na ako ng bumuhos ang matinding ulan. Hindi ako nagpapasalamat dahil pag dating ko sa bahay nakakatakot ang pakiramdam, madilim, may malamig na hangin, tanging kidlat lang ang nagbibigay ng liwanag, at kulog ang bumabasag sa katahimikan kasabay ng pagpatak ng ulan sa bubong. Salamat at walang butas. May ilaw sa kapitbahay, dito wala. Nako, malamang naputulan kami. Magbibihis na ako, maglalatag at matutulog na ako. Bukas na lang.
Tilaok ng manok ang gumising sa akin, kasabay ng halik ng araw sa pisngi ko. Ang init. Binuksan ko ang pintuan, may sobre. Nako bill ng kuryente, hindi pa pala bayad. Halos walong libo ang bayarin! Pitong libo lang ang natira sa akin, kailangan ko ng ibayad to, pero itetext ko muna sila at papauwiin ko na.
“Nay, Tay, 500 na lng ntira s akn.. Uwi n ky0, wla n pera. Pnmbyd ko n s kryente, npu2ln tau eh, pls po. Wla nko pera.”
Nag reply pag tapos ng ilang minuto.
“ANAK WAG K MAG ALALA, MMYANG GABI UUWI NA KMI, TTXT K NMIN PG MLPIT NA”
Isang buntong hiniga na lang ang nagawa ko ng pagkabasa ko sa message na yon. Natatawa lang ako bakit all caps galore magtext ang Nanay ko. Parang galit sa mundo? Hehe. Ang mahalaga makakauwi na sila. Maliligo na ako, at sana pagkabayad ko ireconnect ang linya ng kuryente. Pagkabayad ko siguro didiretso na muna ako sa trabaho, wala naman akong pasok ngayon, sana makita ko si Mariel. Makapag usap na sana kami, ano ba kasi tong nasa isip ko, feeling ko ako ang boyfriend nya. Ang hirap managinip ng gising, parang utak ko pinasukan ng hangin.
IX. BABASAHIN MO BA O DEDEDMAHIN MO LANG? [MINSAN LANG AKO MAGPARAMDAM]
Ayaw ko talaga mag kwento tungkol sa buhay ko bilang estudyante. Para kasing nasa isa akong piitan. Siguro nga mahina ang isipan ko sa apat na sulok ng paaralan, alam ko naman mamuhay sa apat na sulok ng mundo. Wala namang sulok ang mundo? Hindi din naman flat ang mundo? Sino ba nagsabing flat ang mundo? May sira siguro ang tuktok nun. Noong bata nga pala ako gusto ko maging isang astronaut at mapuntahan ang buwan. Ang tanging nagbibigay ng liwanag sa gabi. Pero sabi nila isang palabas lang ang pag lapag ng Apollo 11 Mission. Hindi daw totoo yon. Sa isang studio lang daw ginawa yon. Kung totoo nga ang paglapag ng tao sa buwan, bat ngayon hindi nila ginagawa? Gaano ba kahina ang gravity sa buwan? Baka malakas ang radiation kaya hindi pwede makapunta ang tao? Bahala sila, basta ang pangarap ko noon ay ako ang maging kauna unahang astronaut na Pinoy. Syempre ilalagay ko ang watawat natin sa buwan. Sikat ako nun, pero paano kapag ininterview ako ng mga american press. Patay. Pengeng translator. Parang Miss Universe ako ah, magdadala pa ako ng translator ko. English daw ang pinaka ginagamit ng lenggwahe sa mundo. Dolyar na din ang perang umiikot sa mundo, baka isang araw Amerika na din ang mamuno sa buong sangkatauhan. Nakakatakot. Paano na tayong mga Pinoy. Magiging alila na lang nila kasabay ng iba pang lahi?
Naging sakop nga pala tayo ng mga Amerikano dati, pumasok ang mga imported goods, binigay din nila sa atin ang karapatan ng pag aaral. Tinuruan ang mga unang Pilipinong nakapag aral kung paano ipalakad ang bansan. Naging base militar ang Subic, nahawaan tayo ng pagiging western. Mula sa pananamit, pananalita, at pananaw. Naimulat tayo ng Amerika sa mundong makabago. Pero kaya naman natin maging maunlad kahit wala sila. Kaso wala na nga ang mga mananakop, sinasakop naman tayo ng mga mandarambong na politiko, nag iiwan ng takot sa mga tao. Dahil sa kaban ng bayan, sila ang nananalo sa eleksyon. Ginagamit ang pera at kapangyarihan para maghasik ng katatakutan. Kung hindi ka susunod malamang papatayin ka. Minsan naman sasaktan ka ng todo, dahil sa sobrang sakit daw mas gugustuhin mo pang mamatay. Nakwento sa akin ni Nanay at Tatay ang dinanas nila sa Martial Law. Parang hindi daw Pilipino ang turing sa kanila. Mas masahol sa hayop ang mga ginawa sa kanila. Kaya pala kapag tinitignan ko ang kamay ni Tatay, kulang ng isang daliri at wala ng kuko. Binunutan daw sya ng kuko dahil pinapaamin daw sya kung isa syang NPA, dahil tumanggi sya, pinutol na ang hinliliit nya. Si Nanay naman daw, kinuryente ang suso nya, kahit babae sya sinuntok daw sya at hinampas ng armalite sa tagiliran. Ang hirap ng nung mga panahon na yon. Pasalamat daw ako at nasa makabagong panahon na ako, pero hindi padin daw talaga malaya.
Gutom na ako, tapos na ang klase. Susunduin ko na si Mariel sa klase nya sana nandun pa sya. Lakad mula building 1 hanggang building 3. Medyo malapit lang. Lakad na. Madalas kong kinakausap sarili ko. Nakakatawa. Wala kasi akong kapatid, walang mapagsabihan ng problema, kapag nalulungkot walang makakausap. Minsan si Tatay na lang ang kinakausap ko, usapang lalake lang. Pinapayuhan nya ako kung paano manligaw. Wag ko daw idaan sa bulaklak at tsokolate, pakitang tao lang daw yon. Kung manliligaw daw, wag kong ililigaw ang babae. Ipakita ko daw kung sino ako, kaya ito ako. Pero hindi pa naman ako nanliligaw kay Mariel. Nag iipon pa ng lakas ng loob.
“Uy Mariel, buti nandyan ka pa, akala ko umalis ka na eh. Sabay na tayo puntang work.”
“Syempre hinihintay kita, alam mo namang sayo lang ako sasama”
Kinikilig ako, nakanampucha! May natirang pera ako, ililibre ko na lang sya ng pamasahe. Ganito kami kapag may klase, pagdating ng hapon, sasakay na ng jeep at didiretso sa trabaho. Minsan lang ako manlibre ng pamasahe, nakangiti na naman sya sa akin. Medyo may kalayuan ang pinagtatrabahuan ko sa school, ang hirap naman na maglakad kami at ang init init. Amoy lungad na nga ako ng baby, amoy pa akong bungang araw. Parang bonus na sa akin ng araw na bigyan ako ng matinding amoy. Ang init init sa Pilipinas. Ayaw ko namang maging kasing lamig ng tulad sa Amerika, hindi ko naman kakayanin yun. Okay na to. Okay na okay, kasama naman sya eh.
VIII. BABASAHIN MO BA O DEDEDMAHIN MO LANG? [MINSAN LANG AKO MAGPARAMDAM]
Nawalan na ako ng gana pumasok sa klase ko, pero kailangan ko mag aral. Walang mangyayari kung susuyuin ko syapero babagsak naman ako sa pag aaral. Mas hindi nya ako magugustuhan kung tutulad ako sa mga tambay lang. Sige papasok na ako sa room. English I padin ang subject, hirap ako sa ingles hindi ko alam kung bakit. Pilipit ako mag ingles, mas maiintindihan mo pa ang batang 4 na taong gulang kapag nag ingles. Nahihiya kasi akong magkamali sa pagsasalita, hindi naman siguro ako dapat mahiya, kung papairalin ko tong hiya ko walang mangyayari. Papasok na ako haharapin ang takot at kaba sa klase. Minsan na pahiya na kasi ako, sa madaming estudyante, noong elementary ako. Iba ibang section, pinahiya ako habang nag sasalita ako ng english sabi ba naman sa akin “Lando tumigil ka na dyan sa kaka ingles mo, hindi ka matututo” sabay tawa ng mga tila’y demonyong nagkatawang bata. Nagwalk out ako, sa sobrang hiya at umuwi. Umiiyak. Kaya simula nung araw na iyon, pinangako ko na sa sarili ko, hindi ko na gugustuhin ang english. Hindi ko na gugustuhin to kung ipapahiya lang pala ang mga hindi marunong mag english. Noong first year college ako, bagsak ako. Ngayong 3rd year ko na lang kinuha ulit. Si Mariel pa naman kahit may kaya na sa buhay nagtatrabaho padin para daw masanay sya. Minsan kinakausap nya ako sa english na pananalita. Ako naman tango lang ng tango, hindi naman ako ganun katanga para makaintindi ng english. Hindi ko lang talaga kaya magsalita ng fluent na english. Minsan bumibili ako ng mga dvd na American film, binabasa ko yung mga subtitle pero sablay! Paano kaya ako matututo mag english kung ang papanooring kong movie na may subtitle na sablay. Sabi kasi nila sa simpleng panunuod pwede kang matuto.
“Mr. Punongbayan, please introduce yourself”
Patay, bahala na ang buong lahi ng superhero. Nakanampucha talaga nabablangko na ako. Paano ba..
“Good morning fellow classmates, im Lando Punongbayan, Mayor is my nickname, im 18 years old, im shy, thank you”
Nakakagulat. Nakakahiya. Parang pang grade 1 ang english ko. Di bale balang araw gagaling din ako mag english. Papaduguin ko mga ilong ng mga kaibigan kong tumawa sa akin, mga teacher ko na natatawa din kapag nag i english ako. Ewan ko ba, teacher sila tapos tatawanan nila ako, hindi naman ako stand up comedian. Bat kaya hindi na lang nila ako tulungan magsalita at turuan ng tamang ingles nang hindi ako magmukhang ignorante sa pagsasalita ng wikang ingles. Sa totoo lang malapit na matapos ang klase, hindi ako nakikinig naglalayag lang ang isip ko. Kung anu kayang mangyayari sa akin sa future, anong mangyayari sa amin ni Mariel. Yayaman ba kami? Siguro hindi sapat ang mangarap, dapat may gawin ako para makuha ko ang mga gusto ko. Nagagalit sa akin si Nanay at Tatay kapag sinasabi ko ang pangarap ko, lagi ko kasing sinasabi “Nay, Tay. Gusto ko maging mayaman tayo”sasagot ni Nanay “Tanga! Puro ka gusto, bat hindi mo gawan ng paraan para magkatotoo” tapos gagatong pa si Tatay “Tama, kung puro pangarap ka wala. Kung mangangarap ka, dapat ka ding magplano. Dati sinabi ko yan sa Nanay mo na, magsasama kami ng maginhawa, pero hindi ko napatunayan ang pangarap ko, matuto kang gumawa ng paraan sa mga bagay na gusto mong maabot o mangyari.”
VII. BABASAHIN MO BA O DEDEDMAHIN MO LANG? [MINSAN LANG AKO MAGPARAMDAM]
Nakikita ko yung ngiti nya sa labi, naririnig ko yung bawat halakhak nya sa bibig nya, pero may nakikita akong kakaiba sa mata nya. Hindi sya masaya. Ngayon ko lang nakita na ganito sya. Ano ba dapat kong gawin? Tama nga si Nanay, na mata ang bintana ng kaluluwa. Kaya mo daw itago ang nararamdaman sa pamamagitan ng pagngiti at ipakita sa lahat na wala kang problema, pero kapag nakita na daw ang mata mo, malalaman na may problema kang dinadamdam. Nako, hindi ko alam ang gagawin. Hindi naman ako sure sa ibibigay kong payo na naranasan ko sa problema ko, hindi dahil pareho kami ng naging problema, hindi padin pwedeng maging solusyon nya ang solusyon ko. Iba ako, iba sya. Hindi payo ko ang kailangan nya. Siguro mas okay na alam nyang nandito ako para sa kanya, at anytime na gusto nyang umiyak ako ang “Shoulder to cry on” nya. Para bang “knight in shining armor” nya ako. Ako ang magtatanggol sa kanya sa oras na may nanloko sa kanya. Pero kaya na nya sarili nya, black belter sya. Ako pang away bata lang ang kaya kong suntukan, hindi ako nasanay sa suntukan. Kahit mahilig ako mang away noong elementary, tapos high school, at medyo nitong college. Inaamin ko, mukha akong tanga makipag suntukan. Naging suki ako ng guidance counselor, naging suki din ako ng sermon ng teacher ko. Nakakapagod ding makipagsuntukan, tapos talo ka pa din. Parang sa problema, pinipilit mong labanan matatalo ka lang ding. Naiiyak ako kapag nakikita ko ang mga taong mahalaga sa akin na may problema. Pero kailangan ko munang siguraduhin kung may problema talaga si Mariel.
Lumapit ako at nag salita.
“Mariel? Okay ka lang ba? Alam ko tumatawa ka, at trip mo akong pagtawanan, pero alam ko at ramdam ko may problema ka, pwede ko bang malaman?”
Napatingin sya sa akin at sinagot ako ng pabalang.
“Kahit sabihin ko sayo hindi mo masosulusyonan!”
Mahinahon kong sinabi sa kanya.
“Kahit naman wala akong magagawang solusyon, tandaan mo, sa pagharap mo sa problema mo hindi ka nag iisa. Nandito ako at..”
Natigilan ako at hindi ko na masabi ang salitang “Mahal kita” Hindi ito ang tamang oras. Pero nasabi ko na ang dapat kong masabi. Naibigay ko na ang parte ko. Hindi ko sya iiwan kahit ano pang daluyong ng problema ang dumating, gaano man kalakas ang alon ng problema na gusto magpabagsak sa kanya, aalalayan ko sya at poprotektahan. Minsan iniisip ko na, ang hirap isugal ang lahat sa taong hindi ka pinapahalagahan. Pero hindi ako dapat umasa. Kung ano ang nararamdaman ko, ipapakita ko. Hindi ako naghahangad ng pag-ibig nya, o kahit onteng pagtingin. Tanggap naman daw nya ako, pero hindi ko alam ang lagay namin. Sya mahal ko, ako ewan ko kung ano ako sa kanya. Hindi naman ako umaasa. Hindi din ako magpapaasa, hangga’t ito ang nararamdaman ko, ipagpapatuloy ko. Kung sabihin nyang ayaw nya sa akin, siguro ito ang tamang oras para bumitaw ako, at hayaan ko munang malibang ang sarili ko sa realidad ng buhay na hindi lahat tanggap ng iba, hindi lahat handang maging patas, hindi lahat handang magbigay ng inaasam mo, hindi lahat ng inaakala mo totoo, hindi lahat ng nasa isip mo mangyayari.
Umalis bigla si Mariel, umiiyak. Hindi ko naman alam ang gagawin ko. Ang tanga ko. Hayaan ko na lang sya, baka mabadtrip sa akin ng tuluyan. Baka mamaya okay na sya.
VI. BABASAHIN MO BA O DEDEDMAHIN MO LANG? [MINSAN LANG AKO MAGPARAMDAM]
Teka. Paano nya nalaman ang palayaw kong Mayor? Parang isang kweba na hindi mo matatanaw ang lihim kong ito. Yung mga gago lang dito sa amin ang tumatawag na Mayor sa akin, ibig sabihin gago si Mariel? Hehe takot ko lang baka makatikim ako ng isang matinding sipa galing sa kanyan. Di bale mamaya itatanong ko sakanya bat nalaman nyang Mayor ang tawag sa akin. Naiinis ako sa sarili ko ang bagal ko kumilos, kung mabilis naman napapagod ako at magpapahinga agad. Wala namang tama ang baga ko, hindi naman ako nagyoyosi, para manghina agad ang baga ko. Kapos talaga ako palagi sa hinigan. Speaking of hininga, naalala ko nung grade 4 ako. May katabi ako, playmate/seatmate/classmate ko sya. Lagi syang may laruan na dala, eh ako wala. Dahil hindi naman kami mayaman. Sya at may magulang sa Gitnang Silangan, kaya laging pinapadalhan ng pera at laruan at mga bagay na gusto nya. Hindi naman ako naiinggit noon, natatanong ko lang sa Diyos bat hindi sya patas, naranasan ko nang magtampo kay Papa God. Sinabi ko yun kay Nanay, pinala ako. Mali palang magtampo sa Diyos, kung ano ang binigay sayong kapalaran tanggapin mo. Dahil lahat ng bagay daw sa mundo ay may dahilan, at ang bawat dahilan daw ay Diyos lang ang tanging nakakaalam. Sa pagkakaalam ko, ang kaklase kong yon ay Unico Hijo. Kaya lahat ng luho nya nabibigay, ako din Unico Hijo, pero masaya kahit hindi nasusunod ang luho. Lagi syang may almusal, pero paborito daw nya ang sinangag. Kaya sa twing mag uusap kami kapag darating sya sa school, nakatakip na ang bibig ko. Kasi nga amoy bawang. Mas mabuti pa palang walang trabaho ang magulang mo, pero lagi silang nandyan para linisin ang katawan mo at turuan ka ng tamang asal. Pero sya wala ang magulang nya dito, hindi sya na aasikaso, kaya pala nakakalimutan nyang mag toothbrush. Proud ako kay Nanay ko, kasi araw araw nya akong tinu-toothbrush.
Nakakatawa ngang isipin, hanggang 1st year, pinapaliguan padin ako ng Nanay ko. At ang Tatay ko ang nag iigib ng tubig, pero nagagalit. Ang laki ko na daw dapat matuto na ako maligo mag isa. Paano daw paglaki ko? Sabi ko na lang sa isip ko, “Eh di papaliguan ako ng asawa ko, masaya ata yon” Punong puno ng kapilyuhan ang utak ko, siguro dahil curious ako sa mga bagay bagay. Makaligo na nga.
Habang binuksan ko ang gripo at hinahanap ang sabon, napansin kong mahina ang tubig. Nakanampucha! Nagmamadali ako, saka naman hihina ang tubig! Ano to?! Lokohan!? Gusto kong sumigaw ng “ANG HINA NG TUBIG!” pero kahit isigaw ko yon, mahina padin ang tubig. Sa daming paliwanag ng Nanay ko at ang Tatay ko ay tango ng tango lang kay Nanay para hindi mag away. Lahat ng bagay binibigyang kahulugan ng Nanay ko. Ang sabon daw dapat tandaan ko, hindi lang bilang tagalinis ng katawan, isa daw tong simbolo na dapat laging maging malinis, hindi lang sa katawan, kung hindi sa isip, at mag hugas daw ng kamay palagi, para hindi madumi ang kamay, at gamitin ang kamay para sa kalinisan. Kung maglilinis ako ng basurahan para sa kalinisan, eh madumi na kamay ko. Pero astig din si Nanay, dami talaga nyang pinaliwanag na bagay sa akin. Si Nanay lang kasi ang madalas kong kasama, si Tatay nag gagala lang, nag gagala sa paghahanap ng trabaho kahit may katandaan na sya. Madiskarte pa kay McGyver ang tatay ko. Simpleng kutsara magagawa nyang polseras, simpleng sintas magagamit nya para maging sintron. Kay Tatay siguro ako nagmana, hindi kasi sya masalita, lahat ng bagay na gusto nya, dinadaan nya sa pagtatrabaho o kaya naman hahayaan nya munang may magtanong sa kanya, bago nya sabihin ang nasa isip nya. Sa wakas! Lumakas ang tubig! Teka maliligo lang ako.
*Makalipas ang 15 minutos*
Feeling fresh! Magbibihis na ako ng uniporme ko at papasok na. Kilos marino mode.
Ready na lalakad na ako palabas, pero teka mag ko-cologne muna ako para amoy baby pagdating ko sa school. Larga! Labas bahay. Lock pinto. Lakad. Hanap tricycle. Wala. Lakad sa ruta ng jeep. Wala padin. Lakad ng ilang kanto. Naks! Nakasakay na din. Ano ba tong katabi ko, natutulog sa balikat ko, kababaeng tao amoy alak at amoy suka. Eew. Kaya ayaw ko uminom baka hindi ko makontrol ang sarili ko at malasing ako ng todo, pag uwi ko yari ako sa sermon ng magulang ko. Medyo malapit lang sa amin ang school, ayaw ko maglakad, ayaw ko pag pawisan, syempre nag handa ako para makita ang mahal kong si Mariel. Ayaw kong pagkita nya sa akin, umagang umaga mukha ng tanghali ang pakiramdam ko.“Para!” sabi ko. “Gago! Hindi ka pa bayad, papara ka na agad!” sagot ng drayber. “Ay sorry po, ito pong bayad” Makakalimutin talaga ako, nakakahiya baka isipin ng tao, isa ako sa 123Gang na lumilibot sa buong bansa na ang tanging modus operandi ay sasakay ng jeep at hindi magbabayad.
Tada! School na. Pagpasok ko palang aninag ko na sya na nakaupo sa may bench na malapit sa room na pinapasukan namin sa unang subject, pag lapit ko pinaamoy ko ang damit ko at buong yabang kong sinabi na “Amoy baby noh?” napangiti sya at sumagot, “Amoy baby, lungad ng babay” sabay tawa okay lang na inokray nya ako yung tawa naman nya ang nagpaganda sa araw ko. Bwisit yung katabi kong babae, kaya pala ako nag amoy lungad ng baby.

V. BABASAHIN MO BA O DEDEDMAHIN MO LANG? [MINSAN LANG AKO MAGPARAMDAM]
Naakyat ko na ang bubong. Nakabagsak ang antenna bakit kaya? Baka may lumipad na mananaggal? Sa baba ng lipad nya nabangga nya? Ano ba tong iniisip ko puro katatakutan kaya siguro ako nanaginip ng nakakatakot kagabi. Giniginaw ako kagabi. Kung giniginaw ako, isa lang ang ibig sabihin. Malakas ang hangin kagabi. At dahil malakas ang ihip ng hangin kagabi, iyon ang dahilan bat natumba ang antenna, at siguro yun din ang narinig kong sigaw kagabi. Pero paano magiging sigaw yun? Bahala na ang buong lahi ng mga superhero. Nakadungaw na sa kalangitan si Haring Araw, kinakalat na ang sinag ng araw sa apat na sulok ng daigdig. Para gisingin ang mga taong tulog gamit ang init ng liwanag nya. Sabi ni Nanay, masama daw kapag tanghali na gumising dahil hinakbangan ka na daw ng araw at nalagpasan ka na ng biyaya. Mas may biyaya nga kung tanghali ka gigising eh, may tanghalian na! Kaya naman ako napupuyat dahil sa manok ng kapitbahay namin, ala una pa lang ata ng madaling araw titilaok na, syempre mababaw lang ang pagtulog ko, madali akong magising.
Nakakairita talaga ang tilaok ng manok. Bat yung aso nauutusan ng amo nya na tumigil kumahol, bat hindi magawa ng mga sabungero ng patigilin sa pag tilaok ang manok? Nagliwanag ng lubusan ang kalangitan, napahiga ako sa bubungan, dahil sa ganda ng ulap pinagmasdan ko muna. At may biglang may nagsilipad na kumpol ng mga kalapati na mandadagit na naman ng mga iba pang kalapati. Si Berto ang nagpalipad ng kalapati nya, sigurado ako. Kahit medyo may kaitaasan ang lipad nila, na aamoy ko yung amoy ng may ari ng mga kalapati. Si Berto nga pala ay kababata ko. Bata pa lang kami mabaho na sya. Lagi namang pinapaliguan ng magulang nya, likas na ata ang lumalabas na katas sa katawan nya. Kung anong gastos nya ngayon sa pangpakain ng kalapati nya, yun naman ang pagtitipid nya sa pambili ng sabong panligo.
Kailangan ko ng itayo tong antenna, para kahit paano naman makanood ako ng hindi nahihirapan ang mata ko, at makapanood saglit ng palabas, kasi sa twing pag uwi ko. Magliligo lang o kaya mag papalit ng damit sabay tulog na sa kwarto. Quality time ko na tong panonood sa umaga at nag aastang hari ako ngayon wala naman sila kaya okay lang. Pero pagbalik ni Tatay at Nanay, sila na naman ang batas at ako ang alipin na dapat sumunod. Medyo mabigat tong tubo na ginamit bilang stand ng antenna, naitayo ko naman pero bahala na kung bumagsak ulit, itatayo ko na lang o kaya hahayaan ko na lang dahil mauubos lang ang oras ko sa pag aayos, mas mabuti pang maligo na lang ako sa muling pagtumba nito. Bababa na ako. Sa lahat ng pwedeng tamaan ng malas ngayong umaga, ako ang nabahagingan ng kamalasan. Sumabit ang pinaka paborito kong short. Ito ang short na binili ko noong unang sweldo ko. Syempre yung ibang natira sa magulang ko agad binigay. Wala kasi akong short na nasusuot, puro boxer lang. Ang pangit naman kung lalabas ako ng bahay na naka brief at boxer at tshirt at sapatos ang suot. Teka may naririnig ako. *Te tetet tetet, tetet!* (Text message tone ng 3310)
“Mayor pala ang palayaw mo, hehe. Mayor na din itatawag ko sayo, sige papasok na ako, kita kits na lang mamaya huh. May bakanteng klase ka naman diba, usap tayo, kwentuhan kita. :)”
Feeling ko ako ang chicks. Ang aga nya pumasok, medyo malayo kasi ang bahay nila sa school, kaya minsan kapag maaga akong pumasok, sya pa lang ang nakikita kong estudyante at ako. Para bang nagdadahan dahan ang oras at bumubuhos ng bulaklak ang langit, at papalapit ako ng papalapit sa kanya. Ito na nga ang pagkakaton para masabi kong mahal ko sya. Pero syempre sa isip ko lang yon, nagka girlfriend naman ako dati, bat ngayon ako natotorpe. Ano ba kasing meron sa babaeng to bat gusto ko sya? Dahil ba gusto ko matuto ng Taekwondo? O makatikim ng sipa ng isang black belter na tulad nya? Isa sa pinaka mahirap na kalaban sa buhay…Ang sarili. Basta mahal ko sya, darating din ang gintong araw na masasabi ko to sa kanya, sa harapan nya. Ayaw kong magisip ng kaya ko, mahirap din umasa sa sarili, basta gagawin ko hindi ko lang sasabihin sa sarili ko. Teka nagugutom ulit ako, may natira pang tinapay. Tapos mamaya maya papasok na ako. Tapos papasok sa trabaho, tapos mapapagod. Tapos kasabay sya pauwi, sulit wala ang pagod!
IV. BABASAHIN MO BA O DEDEDMAHIN MO LANG? [MINSAN LANG AKO MAGPARAMDAM]
Pakiramdam ko ang swerte ko. Dahil sa ilang beses kong nag unli dati at itetext sya, hindi sya nagrereply. Ngayong hindi ako unli ang sigla nya magreply. Pero bitin tong load ko, titipirin ko na lang. Bahala na. Magkita na lang kami mamaya. Malapit na mag ala sais ng umaga, hindi ko pa nauubos tong kape, malamig na. Parang tanga din pala tayo noh? Kapag mainit ang kape papalamigin. Para saan pa yung pagpapakulo ng tubig, sayang sa gas. Kapag mainit yung sopas, papalamigin. Pakiramdam ko nawawala ang sarap ng pagkaing inihain na mainit kung papalamigin lang. Tapos yung mga inuming malamig, minsan naman hinahayaang uminit. Tapos minsan may mga taong kulot, gustong maging unat. May unat na gustong maging kulot. May maputi, na gustong maging morena. May morena, na gustong pumuti. Ang hirap ispelengin ng tao parang C-C-Czecho-Czechosl- teka dictionary mode ko tong 3310 kong cellphone. Oops ito pala ang tamang spelling ng “Czechoslovakia” Hindi ata tayo basta basta nakukuntento sa mga bagay na nakapaligid sa atin. Basta ako kahit anong mangyari, umulan bumagyo, gumuho man ang mundo, si Mariel parin. Nakakalimang pandesal na ako, ewan ko ba bat ang mahal ng presyo nito. Ang liit naman, pero ang mahal. Ganito lang siguro kung ispesyal ang tingin sa iyo ng mga tao. Parang ito ang tinapay na sinasamba ng nakakaraming Pilipino. Kung walang pandesal at walang kape na maituturing na pambansang inumin na din. Simula sa bagong gising nagkakape, sa mga nagpupuyat nagkakape. Sa puyatin sa lamay may kape. Kahit sa mga lasing na sinasamba ang bote ng alak na may tatak ng kabayong masaya ay iinum padin ng kape para daw mawala ang tama. Simula pa pagkabata pandesal na ang kapiling namin sa almusal, minsan may palaman. Kung wala naman ay mantikilya lang at lalagyan ng asukal para medyos maging matamis ang lasa. 4 na lang load ko, natext ko na si Mariel. At sabi ko nga ang sigla nya magreply. Nagdadalawang isip ako kung magpapaload ba ako, o sasabihin kong wala na akong load. Pero baka naman isipin nya na iniiwasan ko sya, o kaya naman isipin nya na may iba akong katext. Nako, ayaw kong masipa sa mukha.
“Kumusta? Good morning din. Kita kits mamaya sa work. Sure sabay tayo, gusto ko naman na lagi tayong magkasabay, ang saya mo kaya kausap, kahit ako lang ang nagsasalita, hehehe biro lang.”
Nakanampucha naman oh! Kinilig ang bawat kasukasuan ko sa mga nabasa kong text nya na kumpleto ang letra at hindi pinagpapalit ang 0 sa o. Kumpleto at hindi pa shortcut ang pagtetext nya na gusto kong basahin paulit ulit kasi nababasa ko ng buo. Hindi katulad ko na nasanay sa ibang paraan. Natataranta ako magreply. Teka ano ba pwedeng sabihin. Hmm. Bahala na naman ba ang buong lahi ng mga superhero?
“Ok lng nmn, kpg d n k0 nkrply l0wbat na ak0. Nwwla kc yung charger k0 eh. Kta n lng mmya. Ingat ka huh.”
“Ok lng nmn, kpg d n k0 nkrply l0wbat na ak0. Nwwla kc yung charger k0 eh. Kta n lng mmya. Ingat ka huh.”
Palusot na lang. Bahala na lumusot. Iba pala ang pakiramdam kapag mahal mo ang itetext mo. Pero hindi naman nya alam na mahal ko sya. Gagawin ko bang laro to na taguan? Taguan ng nararamdaman, at kapag ba nalaman nya kung saan ko tinatago to, sya ang taya at mamahalin din nya ako? Pag-ibig nga naman parang bagyo, na ang lakas ng dating, pero kapag umalis na maiiwan akong nagulantang at gutay-gutay. Sabi ng Nanay, di bale ng masugatan ang mga tuhod ko sa pagkadapa, wag lang ang puso. Mahirap daw kasing masaktan sa pag-ibig. Eh ito pa lang naman ang unang beses na tumibok ang puso ko sa isang babae na hindi ko alam kung pinainom ba ako ng love potion. Nako bubuksan ko na lang ang telebisyon para malibang at hindi ko na muna alalahanin ang problema ng pag-ibig. Ang aga aga nakita ko agad ang crush kong artista sa isang tv program na nagsisimula twing 5:30 ng umaga. Siguro 2am pa lang nag aayos na sila ng set, parang ang hirap ng ganung show. Ang sexy talaga ng crush ko, malaking pwet, malaking boobs, ang kinis ng balat, ang ganda ng mata, tangos ng ilong. Hindi naman ganyan si Mariel, hindi malaki ang pwet, katamtamang boobs, morena pero makinis, hindi naman pango, hindi din ganun katangos, pero mas gugustuhin ko pang titigan si Mariel kaysa sa crush kong ito. Anak ng tipaklong. Tumuba ang antenna sa bubong. Nawala ang pinapanood ko, teka patayin muna ang telebisyon at aakyat ako sa bubong.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)