Sa hindi inaasahang pagkakataon, tumawag ang dating ka M.U. ni Lando na si Miraflor, Mirz for short. Naging kaklase ito ni Lando noong 1st year 2nd semester, dumating ang pasukan para sa 2nd year, wala na si Mirz at ganito ang kwento. 1st year college ako noon, at unang araw ng pasukan, sya ang katabi ko, hindi ko pa sya masyadong pinapansin. Maganda sya, mabango, makinis, maputi, nakakagigil. Pero sabi ko sa sarili ko, mukhang hindi kakayanin ng powers ko kausapin sya, mukhang matapobre at mapang-api sa tulad kong mukhang lupa lang, sya naman ay may kagandahang mala anghel sa kalangitan. Filipino ang unang subject, meron na akong classcard at sinusulatan ko na, at bigla nya akong kinalabit, nanghihingi sya ng classcard kasi wala pa syang ganun. Binigyan ko naman, pagkatapos magsulat ay nagpakilala sa harapan ng klase at ako na ang magpapakilala.
"Ako po si Lando Punongbayan, pwede nyo akong tawaging MAYOR"
Tawanan ang buong klase, hindi ata nila na gets na Punongbayan ang tagalog ng Mayor. Natapos ang klase at bigla akong kinamayan ni Miraflor, sabi nya "Ako si Miraflor, kanina habang nagsasalita ako hindi ka naman nakikinig hehe" Nagsorry agad ako, at napakamot ng ulo. Nagyaya sya na kung gusto kong kumain, libre daw nya at pwede ko ba daw syang samahan sa registrars para kunin ang classcard nya. No choice, wala din naman akong gagawin at wala pa akong kakilala. Walang pagdadalawang isip ay agad akong pumayag sabay sabi na "Nakakahiya naman, pero tara" tumawa sya kasi naman daw mahihiya pa ako sabay papayag din pala. Lakad na kami papuntang registrars, biglang may nakabangga sa kanya at nalaglag ang gamit nya, nagsorry yung lalake "Pre sorry nabangga ko girlfriend mo" Nagkatinginan kami at nagtawanan, pagkamalan ba kaming mag-syota!? Ako natawa ako dahil imposibleng magkaroon ng magandang syota ang tulad ko, siguro sya natawa ay dahil imposibleng magkaroon ng syotang syokoy ang babaeng maganda. Tinulungan ko syang ayusin ang gamit nya at nagpatuloy kaming maglakad papunta sa registrars office. Biglang bumungad sa amin yung masungit na babae sa loob, ewan ko ba kung ano ang trabaho nya dun, mukha syang amazona
Kinatok ko ang bintana, biglang nagtaray yung babaeng mukhang amazona. Tumaas agad ang tono ng boses nya, ako naman mahina ang boses, humingi ako ng classcard binigay yung listahan ng klase ni Miraflor at binigay sa akin ang classcard na may kasamang taas kilay at pabulong-bulong galing sa babaeng mukhang amazona. Dahil sa pagkuha ko ng classcard nya ay naging close kami, at nagkahulugan na ng loob, lagi ko na syang hinahatid pauwi, minsan ililibre ko sya sa fishbolan, kung may pera ice cream lang. At bigla na lang nya akong iniwan noong 2nd year, lumipat na ng school, hindi ko alam kung bakit. Baka may iba na syang gusto at sinundan nya, ako naman dito na lang hindi ako tanga para magpalipat lipat ng school para lang sa babae.
Ngayon tumawag sya sinagot ko ang cellphone:
["Hello, sino to?"
"Lando, hindi mo ba kilala boses ko?"
"Sino nga to?"
"Si Mirz, namiss na kita."
"Namiss din naman kita, kumusta na?"
"Heto, malungkot, ikaw ba?"
"Okay lang ako Mirz, bat ka naman malungkot?"
"Namimiss na kita"
"..."
"Hmm bakit?"
"Namiss ko ang kakulitan mo"
"Haha, kakulitan ko lang pala ang namiss mo eh"
"Oo, busy ka ba?"
"Hindi naman, pero hindi talaga ako masaya, namiss mo lang ang kakulitan ko at hindi ako ang namiss mo haha"
"Syempre alam na yun, namiss din kita no"
"Ang tagal din nating hindi nakapag-usap Mirz"
"Onga Mayor, may itatanong sana ako"
"Oh ano naman yon?"
"Lando, bat ka nawala dati, bat ka sumuko?"
"Hindi ako ang sumuko, iniwan mo ako, ano pang gagawin ko, ikaw na mismo ang lumayo, hindi ako sumuko, nakipaglaban ako sa nararamdaman ko, kahit may nagustuhan ako, ikaw padin ang hinahanap ko, pero hindi ko mahanap sa iba."
"Eh kasi naman Lando, akala ko sumuko ka na, ano kaya kung maging tayo? Masaya kaya?"
"Oo naman masaya yun, sigurado ako"
"Lando..."
"Mirz"
"Bigyan kita ng chance Lando"
"Mirz, mukhang hindi tama to. Pero mahal padin kita Mirz"
"Bakit naman, binibigyan na kita ng chance"
"Malayo ka sa akin, hindi tayo magkasama, tapos kakagat ako sa offer mo na to, parang nanlalamang na ako"
"Hindi, binibigyan kita ng chance"
"Ang chance dapat binibigay sa taong deserving"
"Lando naman eh *humihikbi*"
"Wag kang umiyak dyan, hindi dapat iyakan ang tulad ko. Hindi sa nag aassume ako na magiging tayo, pero kung magiging tayo at nagbreak, magkakailangan, magkakaroon ng balakid sa pagkakaibigan. Masaya na ako na sa ganitong estado"
"Kasi naman Lando, binibigyan na kita ng chance"
"Salamat na lang Mirz sa binigay mong offer, kahit paano napangiti mo ako, espesyal ka sa akin, kaibigan kita, mahal kita, mahalaga ka sa puso ko"
"Sige kung ganyan ang gusto mo, wala na akong magagawa Lando, nasaktan kita kaya siguro ayaw mo muna."
"Darating din ang araw na magiging masaya tayo"]
Naputol ang tawag at lumabas na ako ng banyo, nakaupo lang si Mariel sa upuan habang nanunuod ng cartoons kasama si Neneng. Enjoy silang dalawa. Nilapitan ko sila at tinignan, nagtawanan lang kami. Umupo na din ako at nanuod patuloy kong inisip ang sinabi ni Mirz, naguguluhan ako, iwan ko kaya si Mariel para kay Mirz, si Mirz nag offer na, si Mariel hindi naman. Pero ayaw kong mawala si Mirz at Mariel sa akin. Babaero na kung tawagin akong babaero, napupunit ako sa dalawa. Mahal ko si Mariel dapat labanan ko tong tukso na ito.